Update sa Missing Bride na si Sherra De Juan, She’s Alive.

May bagong update sa Missing Bride.
Buhay raw ang missing bride na si Sherra de Juan, ito ay ayon sa update at hula ng pinoy psychic na si Jay Costura.
Kung ating babalikan ay naging usap-usapan sa social media ang biglaang pagka-wala ng bride-to-be na si Sherra de Juan. Ngayong araw ay nasa 12 days na itong hinahanap ng kanyang pamilya.
Si Sherra ay nawala simula noong December 10, apat na araw bago ang kaniyang kasal na sana ay noong December 14 pa.
Naniniwala naman ang Quezon City Police District o QCPD na buhay pa ang missing bride at nanawagan sila na sana ay makipag-ugnayan na ito sa kanila.
Panawagan ng QCPD : “We appeal to Ms. Sherra, kung naririnig niya man tayo sa ngayon, na kung maaari sana ay makipag-ugnayan ka sa iyong pamilya para po maibsan na ‘yong kanilang pag-aalala sa’yo.”
Ayon sa fiancé ng missing bride na si Mark Arjay Reyes, ang huling mensahe na kanyang natanggap mula kay Sherra ay noong December 10 ng bandang 1pm.
Ang laman ng mensahe ni Sherra sa kanya na pupunta raw ito sa Fairview Center Mall upang bilhin ang sapatos na isusuot niya sa kanilang kasal. Kasabay ang pag-iwan ni missing bride ng kanyang cellphone sa kanyang bahay habang ito ay naka-charge.
Dahil hindi parin nagpapa-ramdam ang missing bride sa kanyang pamilya, minabuti na nilang lumapit sa pinoy psychic na si Jay Costura.
Dito na hinulaan ni Costura gamit ang mga bahara kung ano ang tunay na nangyari kay Sherra.
Hula ni Jay Costura : “Kung mapapansin mo, number three of hearts. Third party issue. So. ito ang ipipilit sa ‘yo ng mga ibang tao. Pero kung mapapansin mo, ace of flowers. She’s still travelling right now.”
Pagbabahagi ni Costura : “Bumiyahe po. May nakita akong pag-tawid. Ito po ay naka-plano na pala sa kaniya.”
Paglilinaw pa ni Jay Costura na walang kidnapping o sapilitang pagdukot sa missing bride, malinaw raw na kusang umalis o nagpaka-layo si Sherra at sa kasalukuyan ay nahihirapang umuwi dahil nag-trending ito online.
Say ni Costura : “She’s fine. Babalik siya. She’s alive. So may tumutulong sa kaniyang babae ngayon. So, malinaw ang pinakita sa akin ng baraha na nahirapan siyang mag-desisyon. Pinakita sa akin ng baraha kanina na nagtatalo ang isip at puso niya.”





