Two Farmers drowned in Sarangani River amid land dispute

Sarangani, Philippines – Pumanaw ang dalawang katutubong magsasaka noong October 16, matapos nilang isinagawa ang isang ritwal sa ilog para maayos ang problema nila na ‘agawan ng lupa’.
Ayon sa mga ulat, hindi nagawang ayusin o maresolba ng kanilang barangay ang problema ng dalawang magsasaka tungkol sa lupa kaya idinaan na nila ito sa isang ritwal na tinatawag na ‘trial by ordeal’ o ‘sulif’.
Two Farmers drowned during traditional river Ritual in Sarangani
Ang dalawang magsasaka ay sina Tony Mansag 69, at Gaspar Palasanon 49, sila ay parehong katutubong miyembro ng Tribung B’laan.
Ang ritwal na ‘sulif’ ay ginagawa na noong unang panahon para hayaan na mag desisyon ang tubig, dagat, lupa o ang mismong kalikasan kung sino talaga ang may kasalanan.
Sa ginawang ritwal, magpapatagalan ng hininga ang dalawang magsasaka habang nakalubog sila sa ilog, kung sino ang mas matagal na umahon ay sa kanya mapupunta ang lupang pinag-aagawan nila.
Underwater Endurance test ends in Tragedy
Habang tumatakbo ang oras, umabot sa tinatayang 12 minutes na nakalubog ang dalawang magsasaka sa ilog.
Nang ideklarang ‘tabla’ ang pagsubok, nagulat ang mga tao sa paligid dahil wala na silang malay matapos iahon sa tubig.

Dito na nag-sigawan ang mga tao. Sinubukan pa nila na iligtas ang dalawang magsasaka at agad na isinugod sa ospital pero binawian rin sila ng buhay.
Netizens react to the tragic Land Dispute
Marami naman sa mga netizens ang nalungkot dahil nauwi pa sa trahedya ang hindi na resolbang gulo dahil lang sa lupa.
Ani ng netizen : “At the end nagkasundo ung nga anak nila na maghati nalang sa lupa hahaha lala.. sana nagkaayos nalang sila kaysa umabot sa may mga pumanaw pa.”
“See? nang dahil sa kanilang pride at walang magpapatalo buhay ang kanilang itinaya. So at the end may nanalo ba? WALA! Buhay pa ang NAWALA. Ito sana ang makuhanan nang leskyon nang sangkatauhan.”
Dagdag pa ng isa : “Ibig sabihin, handa nilang ibuwis sarili nilang buhay masiguro lamang kapakanan ng kanilang mga pamilya. Pwd silang umahon pra manatiling buhay, pero wala silang katiyakan kung anu mangyayari sa pinaglalaban, pero mas pinili nilang wag umahon.”
