Naglabas ng pahayag si Tuesday Vargas matapos pumanaw si Ivan Cezar Ronquillo.
Nababahala ang aktres at komedyanteng si Tuesday Vargas tungkol sa pagkamatay ng freelance model na si Ivan Ronquillo.
Kung ating babalikan, magkasunod na pumanaw ang magkasintahan na sina Gina Lima at si Ivan Ronquillo.
Si Gina ay pumanaw dahil sa cardiorespiratory distress, nilinaw rin ito base sa imbestigasyon na walang foul play sa kanyang pagkamatay. Habang si Ivan naman ay pumanaw dahil sa self-inflicted harm o ang pagpapatiwakal.
Si Ivan mismo ang nagsugod kay Gina sa ospital noong Nov. 16 pero idineklarang dead on arrival ang dalaga. Dito na nakatanggap ng samu’t-saring batikos ang binata.
Lumabas ang mga bali-balitang si Ivan mismo ang kumitil sa buhay ni Gina sa pamamagitan ng pambubugbog. Nagkaroon rin ng mga sugat ang binata sa mukha matapos itong sugurin ng mga kaibigan ni Gina.
Tatlong araw matapos pumanaw si Gina ay binawi ng binata ang sarili niyang buhay. Inilabas rin ng QCPD ang cause of death ni Ivan sa publiko.
Paniniwala ng iilan na nagkaroon ng depresyon si Ivan dahil sa biglaang pagpanaw ni Gina kasabay ang mga pambabatikos sa kanya sa social media matapos kumalat ang mga maling impormasyon sa pagkamatay ng kanyang girlfriend.
Ayon ng QCPD : “Prior to the incident, relatives stated that the victim had been experiencing emotional distress following the sudden passing of his girlfriend the previous day.”
Dito na nabahala si Tuesday dahil kagaya nina Gina at Ivan, may anak rin siya na kapareho sa edad ng dalawa.
Ani Tuesday : “Bilang isang magulang na may anak na ka edad lamang ni Gina at Ivan, labis akong nababahala.”
Pagpapatuloy niya : “Paanong gagawin pa ba natin? Kahit mahalin at arugain natin ang ating mga anak, ang lipunan na malupit pag labas nila ng ating tahanan ang siyang literal na papatay sa kanila. Utang na loob po, huwag magpa kalat ng hindi totoong mga bagay lalo na kung lubha itong mapang akusa sa mga nabanggit.
“Ang mga kabataan ngayon ay hindi mahina o simpleng sensitibo lamang. Sila ay nakakaramdam ng maraming hamon, mga hamon na wala sa dating henerasyon. Bawat galaw nila ay MILYON ang maaring maka kita at magkaroon ng opinyon. Hindi yun normal, hindi madaling lunukin. Huwag natin silang sabihan na arasagid o bumibigay agad. Hindi biro ang matatalim na salita ng mga ibang netizens.
“Uulitin ko, kung may pagkakataon na maging mabuti yun ang piliin. Ang dami na nilang nawala dahil sa mga iilan na walang konsiderasyon at compassion. Hindi pa man napapatunayan eh sa court of public opinion ay para nyo na silang hinatulan.”
Panawagan ni Tuesday : “IF YOU CAN BE ANYTHING IN THIS WORLD, BE KIND.”




