Toni Fowler, pinuri sa bago nilang content na ‘made for kids’.

Toni Fowler was praised by netizens for raising awareness for kids via Pribado music video.
Tito Vince, Toni Fowler and Papi Galang

Patok at approved para sa mga parents ang bagong music video ni Toni Fowler.

Nakatanggap ng samu’t-saring papuri sina Toni Fowler, Tito Vince at Papi Galang sa bago nilang music video na ‘Pribado’.

Ang naturang music video ni Toni Fowler ay tumatalakay sa ating mga labi, pwet, dibdib at mga pribadong parte ng ating katawan na bawal ipahawak o ipahalik sa kahit kanino.

Ayon sa Toro Family, naglabas sila ng content na ‘made for kids’ upang mag-raise ng awareness sa mga kabataan.

Ayon pa sa lyrics ng kanta : “Ang labi ay pribado, wag basta pahalikan, sa kung sino-sino, bawal yan bawal yan!”

“Ang dede ay pribado, bawal ipakita ‘to, hindi dapat hawakan, bawal yan bawal yan!”

“Mali yan! mali yan! ‘wag mo ‘kong hawakan! isusumbong kita kay nanay at kay tatay! pribadong parte ng katawan ini-ingatan.”

“Ang pwet ay pribado, bawal ipakita ‘to, hindi dapat hawakan, bawal yan bawal yan!”

Gayundin ang titi at pepe ay binigyan nila ng linaw na bawal itong ipahawak at ipakita kahit na kanino.

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na ang mga ganitong uri ng music video ay pinagtatawanan ng karamihan pero may gustong ipakitang mensahe para sa mga bata.

Say ng netizen : “Some might laugh or make fun of this video, but the message behind it is no joke. This video was created to raise awareness about child (SA), a heartbreaking reality that far too many children experience in silence.”

“It’s painful to see that some people may make fun of or not take this message seriously, but that’s exactly why awareness is so important. Every child deserves to grow up feeling safe, loved, and protected. No joke, no comment, and no act of indifference should ever downplay their pain.”

“By spreading awareness, we remind others that protecting our children is not optional — it’s our shared responsibility. Thank you so much, Momi Oni, for using your platform and creativity to speak up about this sensitive issue.” dagdag ng netizen.