Tondo fiesta na Lakbayaw festival, hindi nagustuhan ng netizens.

Umalma ang mga netizens sa taunang selebrasyon ng Tondo fiesta kamakailan.
Hindi nagustuhan ng netizens ang Tondo fiesta, napansin kasi nila ang mga lalaking nakahubad habang nakikisayaw sa Pista ng Poong Sto. Niño.
Hindi lingid sa marami na taon-taon ipinagdiwang ang Feast of Santo Niño de Tondo, ang araw ng kanilang selebrasyon ay sa pangatlong linggo ng Enero o third sunday of January.
Noong Sabado January 17, ipinagdiwang nila ang Lakbayaw festival sa Tondo, ang araw bago pumatong ang pangatlong linggo ng January.
Sa Lakbayaw festival [Lakbay at Sayaw], dito na isinagawa ang street dancing o ang pagsasayaw sa gitna ng kalsada habang bitbit ang imahe ng batang si Jesus o si Santo Niño.
Ngunit hindi nagustuhan ng mga netizens ang kanilang nakita mula sa taunang selebrasyon dahil sa mga lalaking nakahubad na sumasabay sa tugtog ng banda.
Bukod sa mga maskuladong nakahubad, hindi rin kaaya-aya ang kanilang sayaw o dance steps na hindi naa-ayon sa tradisyonal na galaw ng mga deboto sa isang prusisyon.
Isa ang aktor na si Boom Labrusca ang pumalag matapos niyang makita ang mga nakahubad sa pista ng Poong Sto. Niño, aniya na maling-mali at wrong venue raw ang ginawa ng grupo.
Say ni Boom : “If sayaw dahil fiesta sayaw lang kaw naman may santo tapos huhubad ka haysss. Wrong venue kid.”
Ani naman ng netizens : “Dati nman walang ganyan..yung atensyon tuloy ng mga tao npupunta s mga ngsasayaw d dun s sto niño.”
“Totoo naman to, bale yung pawis na katawan nalang ng mga sumasayaw yung nagiging atraksyon ng Tondo hindi yung mismong fiesta. Lumalabas nalang talaga totoong motibo ng mga taong pumupunta jan. Mahiya kayo at matuto rumespeto.”
Dagdag pa ng isa : “Nilalako ganun kasimple. Kung maayos to magisip bakit kelangan pa magbuhad? Kung debuto ka igagalang mo at maging disente. Sa kilos at gawa. Iba kc minamarket nila its too obvious, exposure for other agendas.”




