Uminit ang ulo ng content creator na si Rosmar Tan matapos niyang malaman na scammer pala ang pinadalhan niya ng pera.
Sa kanyang unang social media post, ibinahagi ni Rosmar na nakatanggap siya ng mensahe mula sa taong may username na ‘goldiejoy2’.
Mensahe sa kanya ng user : “Hi po baka pwede Mkahingi kahit 5 pesos lang po iniipon ko po kasi para sa CHEMO ko stage 3 ovarian cancer po ako at need to get 30k para maoperahan ako sana MatuLungan nyo po ma’am gusto ko pa mabuhay,”
Dahil kilala sa Rosmar bilang likas na matulungin ay agad-agad itong nagpadala ng 30k without any confirmation kung legit ba talaga ang pasyente, hanggang sa nagulat nalang siya dahil biglang nag-private ito ng account matapos matanggap ang kanyang pinadala.

Pagbabahagi ni Rosmar : “At ayun scammeeeer lang pala ang napadalhan ko ng 30k kanina. Bigla binura lahat ng post at nag deactivate. Luckily na trace ang may ari ng number at ang address kung saan ginamit ang cp nung pinadalhan ko ng pera.
“Bibigyan kita ng til 10pm tonight para ibalik ang pera sa same number na pinag pasa ko sayo. At para di ko ipost ung mukha mo at complete address dito. Bukas makipag coordinate din ako sa pulis para puntahan ang mismong address nyo. Thankyou sa NBI sa pag trace ng details nya.” bahagi ng post ni Rosmar.
Nalaman rin ng content creator na ang mga videos at larawan na ginagamit ng scammer sa kanyang social media para makapang-scam ay mga fake pala.
Dagdag ni Rosmar : “Nakakalungkot lang mukhag ginamit lang picture ni ate sa tikt0k. May sakit na nga ung tao ginagamit mo pa sa panloloko “GERLIE JOY M” Di ka na naawa. Tratrabahuhin kita kung di mo ibabalik ang pera. Di ka na kinabahan nagpanggap kang mayCANCER at stage 4 pa at gumamit ka pa talaga ng picture ng iba.”
Good news naman dahil ayon kay Rosmar ay ibabalik nalang raw ng scammer sa kanya ang pera na ipinadala niya dahil tinakot ito ng content creator na ilalabas ang tunay niyang pangalan, picture at home address.
Nalaman ni Rosmar na hindi pala Gerlie Joy M ang tunay na pangalan ng scammer dahil Gemeli M pala at lalaki ito.
Pananakot Rosmar : “VLOGGER NAMAN PALA SI GEMELI. PAG DI MO BINALIK 30k NGAYON MAG TRENDING KA TALAGA GEMELI MAG VLOG KA SA COLUMBIA[kulungan].”
“UPDATE: Nag contact na sakin si GEMELI at babalik daw nya bukas ang 30k. Kapag wala full name ka talaga sakin.” pahabol ni Rosmar.
Kaya naman sa mga taong agad na nagtitiwala sa online, maging maingat tayong lahat dahil talamak na talaga ang mga scammer sa social media.