Teachers, makakatanggap ng PBB o Performance Based Bonus.

Courtesy : DepEd PBB

Masaya ang Pasko, dahil naka-schedule na before end of this year ang PBB o ang Performance Based Bonus sa mga Teachers ng DepEd.

Good news ito at early Christmas gift para sa mahal nating guro, dahil matatanggap nila ang kanilang PBB para sa fiscal year 2023 bago magtapos ang taon.

Ngayong araw Feb 25, naglabas ng press release ang DBM o Department Of Budget and Management sa pamamagitan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman para ibahagi ang magandang balita tungkol sa benepisyong matatanggap ng mga guro na nasa DepEd.

Ani Budget Sec. Pangandaman : “Masaya po akong ibalita para sa ating mga kasamahan sa DepEd, lalo na sa ating mga guro na matapos ang masusing deliberasyon, sila po ay napatunayang eligible para matanggap ang kanilang Performance-Based Bonus para sa taong 2023.

“Ito po ay alinsunod sa mandato ng ating Pangulong Bongbong Marcos na kilalain ang kanilang ambag, sipag, at dedikasyon upang itaguyod ang pagpapalakas ng sistema ng edukasyon sa ating bansa,

“Kung wala sila [ang mga guro], wala rin tayo, kaya dapat lang po na patuloy natin silang bigyan ng motivation at nararapat na benepisyo” dagdag pa ng Budget Secretary.

Magkano ang matatanggap ng ating mga guro? ayon sa mga ulat, ang kanilang performance based bonus ay naka-dependi sa kanilang performance rating na tinatayang aabot mula sa 48.75% hanggang sa 65% ng kanilang monthly basic salary.

Hindi lang ang mga guro natin ang makakatanggap ng PBB mula sa ating pamahalaan bago magtapos ang taon dahil ang 110,688 na mga opisyal at mga empleyado ng Philippine Army ay may approved release rin mula sa DBM na nagkakahalaga ng P1.64B para sa fiscal year 2023.

Courtesy : Philippine Army PBB
Courtesy : Philippine Army PBB

Ani Budget Sec. Pangandaman : “Our soldiers dedicate their lives to defending peace and protecting our people. This release underlines our commitment to recognize and reward our men & women in uniform who fulfill their duties with excellence.”