Makikilala na natin si Sofia Pablo 19, sa PBB bilang official housemate mula sa Sparkle.
Excited na ang mga fans ng aktres na si Sofia Pablo dahil isa na siyang official kapuso housemate ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
Si Sofia ay ipinakilala sa 24 oras ngayon araw Oct. 21, ang unang opisyal na housemate na nagmula sa Sparkle GMA Artist Center, ang kanyang PBB moniker ay ang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City.
Kasabay ni Sofia na ipinakilala ang anak ni Neil Arce at ang step-son ng aktres na si Angel Locsin na si Joaquin 18, ang kauna-unahang official housemate na mula sa kapamilya at Star Magic.
Ang PBB moniker ni Joaquin ay ang Rising Dreamer ng Muntinlupa.

Bakit sumali sa PBB si Sofia Pablo?
Para kay Sofia, isa siya sa mga celebrities na biktima ng ‘misconceptions’ at ‘fake news’ mula sa mga taong hinuhusgahan siya, kaya gusto niyang pumasok sa PBB upang mas makilala pa ng mga tao ang tunay at kung sino talaga siya.
Wika ni Sofia : “This is something big for me [ang PBB] kasi I was always a victim of misconceptions, of fake news. And I feel like the people know me for my work, sa mga memes ko. I want them to know me for who I really am,”
Pahayag naman ni Sofia na ang pag-pasok niya sa loob ng Bahay Ni Kuya ay ‘isang sugal’ dahil ngayong buwan pa lamang magsisimula ang bagong season ng reality show na kabilang siya kaya posibleng umabot hanggang holiday seasons na nasa loob parin siya ng PBB.
Say ni Sofia : “I think I can never be ready for that kasi, again, sa buong buhay ko, I never spent Christmas or New Year away from my mom. Kasi dalawa lang kami. And even si mommy, like, she was crying.
“If I’m not there, she’s going to be alone. But then again, inisip namin na one Christmas, one New Year, kapalit na puwedeng ma-appreciate ka na ng tao for who you really are. So, sugal talaga,” pagbabahagi ni Sofia.
Nilinaw naman ni Sofia ang tungkol sa mga chika na siya ang paboritong talent ng kanyang management, nanawagan rin siya sa mga netizens na manood ng PBB Collab 2.0 dahil for sure ay papangitiin niya ang mga ito.
Chika ni Sofia : “I don’t want to call it favorite. I want to call it loved. Kumbaga, hindi ako paborito. Mahal lang ako kasi nga mabuti akong tao. Kaya ko talaga sabihin ‘yun. If you’re watching, I hope, manood kayo na PBB 2.0. Promise, papangitiin ko kayo.”
Sa ngayon, sina Sofia at Joaquin pa lang ang unang ipinakilala sa bagong batch na papasok sa Bahay Ni Kuya, sila na rin kaya ang magka-duo?