Kilalanin si Matthew Lhuillier, ang lalaking nagpapatibok sa puso ngayon ni Chie Filomeno.
Si Matthew Lhuillier ay isang negosyante at founder ng Bisaya Brew, bakit kaya siya nali-link ngayon sa aktres na si Chie Filomeno?
Ang negosyong ‘Bisaya Brew’ ni Matthew ay located sa Mandaue City sa Cebu, ayon sa tagline ng kanyang negosyo : “Premium craft beer, skillfully brewed in the tropics.”

Si Matthew ay miyembro ng Lhuillier family, na nagmula sa Cebu, siya ay nasa 4th generation ng kanilang angkan at isa sa tagapag-mana ng M. Lhuillier Group of Companies.
Ang kanyang ama ay si Michael L. Lhuillier na nagtapos sa De La Salle University, ang founder ng M. Lhuillier Financial Services Group at ang kanyang ina naman ay si Joanna Maitland-Smith Lhuillier.
Sina Michael at Joanna ay may tatlong anak at ito ay sina Michael James, Matthew at Myles. Sa kasalukuyan, si Michael James ang head ng M. Lhuillier ang kuya ni Matthew.
Ang M. Lhuillier Group of Companies ay isa sa pinakamalaking financial chain sa Pilipinas, ang kompanyang ito ay kilala sa kanilang financial services, pawnshops, money remmittance services, quick cash loans, bills payment, insurance, kwarta padala at marami pang iba.
Ang tagline ng kanilang negosyo ay “Tulay ng PaMLyang Pilipino.”
Matthew Lhuillier education background.
Si Matthew ay nagtapos ng kanyang highschool sa Viewpoint School sa Calabasas, California, siya naman ay nagtapos ng kanyang higher education sa Pepperdine University sa California.
Hinubog naman ang kanyang skills para sa food and beverage matapos itong mag-aral sa The Culinary Institute of America sa New York, sa kanyang early years naman ay nag-aral ito sa Sacred Heart School – Ateneo de Cebu, Philippines.
M. Lhuillier at Cebuana Lhuillier.
Kung ang M. Lhuillier ay hawak ng pamilya nina Matthew, ang Cebuana Lhuillier naman ay hindi affiliated sa kanyang pamilya, ito ay negosyo ng kanilang pinsan na si Jean Henri Lhuillier.
Ang pamilya ni Matthew ay may iba’t-ibang uri ng mga negosyo gaya na lamang ng logistics, hospitality, Cebu Safari and Adventure Park, Food and beverage gaya na lamang ng mga wines, gourmet products, bottled water, real estates at construction companies.
Paano na link si Chie Filomeno kay Matthew Lhuillier?
Kung ating babalikan, September nagsimulang ma-link si Chie kay Matthew matapos mag-post si Xian Gaza tungkol sa break up nila ng aktor na si Jake Cuenca.
Chika ni Gaza : “Jake Cuenca natagpuang humahagulgol sa loob ng bahay matapos itong iwan ni Chie Filomeno para sa isang milyonaryong negosyante sa Cebu na si Matt Lhuillier! Atin-atin lang muna huwag na lang sana makakalabas. Salamat.”
Sinundan pa ito ng issue na pinalayaas diumano ni Jake si Chie sa kanyang condo matapos nitong mahuli na may ka-date ang dalaga sa Cebu at ito diumano ay si Matthew.
Dahil sa ingay online, humiling naman si Chie ng privacy tungkol sa issue na lumalabas tungkol sa kanya sa social media.
Bahagi ng pahayag ni Chie : “No further statements will be made at this time. I kindly ask that people refrain from speculation or intrusions into my private affairs.”
Lumabas rin ang mga chika na hindi umano tanggap ng Lhuillier family si Chie dahil nagawa nilang pa-imbestigahan o ipa-background check ang dalaga sa pamamagitan ng mga info’s o alam ni Sofia Andres.
Hindi lingid sa marami na malapit ang aktres na si Sofia Andres sa pamilya Lhuillier dahil ang longtime partner nito na si Daniel Miranda ay kamag-anak ng mga Lhuillier.
Ngayon buwan naman ay naglabas ng isang cryptic post si Sofia Andres na ayon sa mga netizens ay tila patama niya kay Chie Filomeno.
Ani Sofia : “Sad how some people copy you, chase your circle, and use you for clout.”
Tila hula ng mga netizens na si Chie ang tinutukoy ni Sofia sa kanyang mga cryptic posts online.