Singer na si Davey Langit pumanaw na, ano ang cause of death?

Davey Langit dies at the age of 38
Davey Langit

Pumanaw na ang singer-song writer na si Davey Langit, ano kaya ang kanyang cause of death?

Biglaan na pumanaw ang singer na si Davey Langit 38, marami naman sa mga netizens ang gustong malaman ang kanyang cause of death.

Si Davey ay nakilala at sumikat taong 2006, matapos siyang sumali at naging isa sa mga finalists sa first season ng Pinoy Dream Academy.

Dito na nagbukas ang music industry para sa singer at song writer, taong 2013 nirelease naman ni Davey ang viral na kantang ‘Selfie Song” na may lyrics “Tara na’t mag-selfie, selfie, selfie, selfie tayo ‘pag may time, Ipakita sa mundo ang maganda mong smile”.

Taong 2016 naman naipanalo at nauwi nila Davey ang Grand Prize dahil sa kanilang song entry sa ‘himig Handog P-pop Lovesongs” na ‘Dalawang Letra’

Davey Langit dies at the age of 38.

Malungkot na ibinalita ng asawa ni Davey na si Therese Villarante-Langit ang biglaan na pagpanaw ng singer sa pamamagitan ng isang social media post, dito niya binalikan ang mga masasayang alaala nilang dalawa.

Ani Therese : “Davey loved life more than anyone I’ve ever met. He jumped off 75-meter free falls, rode the most frightening roller coasters, savored food, danced goofy, lit up every room with his warmth, his jokes, and loud laughter, and he loved LOVED music and songwriting with such fire.

“Yesterday, my husband, our bestfriend, brother, son, bandmate, collaborator, favorite guitar player, master storyteller, and the kindest, brightest, most beautiful person — fought fiercely ‘til the very end. He felt so loved by you all these past few days.” bahagi ng pahayag ng asawa ni Davey.

Dagdag pa niya : “Thank you for being part of Davey’s life. He loved each and every one of you.”

Ano ang cause of death ni Davey Langit?

Kung ating babalikan, August 8 ibinahagi ng singer na si ay na diagnosed ng sakit na ‘spondylodiscitis’, ito ay isang uri ng virus, infection o bacteria na naninirahan sa lumbar spine ng isang tao.

Davey Langit was diagnosed with spondylodiscitis disease
Davey Langit diagnoses

Pagbabahagi ni Davey : “I’ve been diagnosed with spondylodiscitis, a spine infection around my thoracic 8 vertebrae. Here in the hospital for three days now.

“After kasi ng MRI, kailangan ng CT-scan and biopsy procedure to determine what we’re dealing with exactly and para malaman din ano course of action moving forward.” bahagi ng post ni Davey.

Sa ngayon ay hindi pa naman kinumpirma ng mga mahal sa buhay at ng pamilya ni Davey kung ang spondylodiscitis ba talaga ang naging dahilan sa biglaan nitong pagpanaw.