Shuvee sa mga bashers : “Lord, iligpit mo na sila.”

Shuvee Etrata Live video
Shuvee Etrata

Bakit kaya nag pray si Shuvee sa live video niya na sana ay iligpit na ni Lord ang mga bashers niya?

Viral na naman at inulan ng samu’t-saring batikos si Shuvee Etrata matapos ang kanyang live video nakaraang araw, nagkalat na kasi ang mga screen records mula sa naturang live ng dalaga na tila hiniling nito na sana ay iligpit na ang kanyang mga bashers.

Ano ang laman sa live video ni Shuvee?

Sa naturang live video, tinawag ni Shuvee na mga ‘Demonyo’ at nagbanta pa ito na sana ay ‘iligpit’ na raw ni Lord ang kanyang mga bashers o mga live viewers na may evil diumano sa kanya.

Aniya : “Lord.. ‘yung mga demonyo na nanonood ngayon [sa live] Lord, please iligpit mo na sila.. joke lang… joke lang… Hindi para iligpit kasi maniniwala si Papa Jesus sakin..”

Shuvee, may ugali raw ng pagiging DDS ayon sa netizens.

Marami naman sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang mga binitawang salita na ito ni Shuvee sa kanyang live video.

May mga netizens na kinonekta na naman ang pagiging DDS ni Shuvee na naging issue na niya nakaraang buwan.

Ani ng netizen : “Ligpitin. Salitaan ng typical DDS. Hanggang ngayon pinipilit ng fans nya hindi daw sya Duterte supporter kahit finafollow nya mga DDS Pages at friends with Kitty mismo. Finafollow lang naman nya DDS pages, DDS na daw ba yun? Nag thank you lang naman kay Duterte, DDS na daw ba yun? Umiyak lang for Duterte, DDS na daw ba yun?”

Shuvee Etrata Reddit live video comment
Reddit comments about Shuvee Etrata live video

Isang Reddit user naman ang nanawagan sa mga brands at endorsements na nagtitiwala kay Shuvee na sana raw ay bitawan na nila ang dalaga, dahil kung hindi umano ay kasama silang masusunog at mabubulok sa mga ingay at issue na nakadikit kay Etrata.

Ani ng isang Reddit user : “‘Demonyo’ ‘iligpit’ – alam na alam mo talaga kung anong classes tao siya eh, saka alam mo talaga kung ano yung sinusuportahan niya base sa pananalita, kilod at act niya eh. Tatak Du30 eh, kapag ka pumikit ka at narinig mo yung mga linyahan parang si robin lang din eh. Jusko nakakadiri. Nakakasuka at napaka asim,

“Good luck sa mga endorsement at brand na dala dala nito, kasama kayong masusunog at mabubulok kapag ka hindi niyo binitawan to.” dagdag pa nito.

Reddit user's comment about Shuvee Etrata's Brand endorsements
Reddit user comment about Shuvee Etrata live video and endorsements

Kung ating babalikan, hindi na pinapasok sa It’s Showtime si Shuvee Etrata matapos itong naging laman ng pambabatikos sa social media.

Marami na rin kaming nababasa online o sa mga forum gaya nalang sa Reddit na mga komento mula sa mga fans ng dalaga, ayon sa kanila ay ititigil na nila ang pagsuporta kay Shuvee dahil mahirap na umano itong ipagtanggol.

Ani ng dating fan ni Shuvee : “awat na ako na maging fan mo shuveddoo, sobrang hirap mo talaga ipagtanggol.”

Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Shuvee tungkol sa viral live video niyang ito.