Matapos mabatikos si Former PBB housemate Shuvee Etrata, naglabas na siya ng kanyang pahayag tungkol sa kanyang old video sa Reddit.
Hindi lingid sa marami na Sept 23, nagsimulang kumalat sa social media ang recorded live ng dalaga sa Tiktok noong March 12 at ang naging paksa niya sa naturang video ay ang pag-aresto sa dating pangulo na si Rodrigo Duterte noong March 11 ng gabi.
Ani Shuvee : “Naiyak talaga ako kagabi [pag-aresto kay Duterte], kasi sa lugar namin.. malaki talaga ang naitulong ni PRRD, like sa drugs talaga guys.. sobrang malaking bagay [ang naitulong niya],
“hindi ko alam sa inyo.. pero sobrang nagpapasalamat talaga ako kay Duterte, para sa’kin talaga guys.. na ano kasi ako ni Bongbong [Marcos], nabudol..” dagdag ng dalaga.
Dito na nakatanggap ng samu’t-saring batikos si Shuvee mula sa mga netizens, may mga nagsasabing mukhang hindi siya naawa sa mga inosenting biktima ng EJK na resulta sa naging ‘war on drugs campaign” ng dating pangulo.
Ani ng netizen : “Kaya pala bitter forever to na hindi naging big winner. Well calculated na niya mga kilos nya. She’s living a lie para sumikat. Kaso Inday Shuvee may digital footprints ka. Umiyak ka pala pagdakip sa tatay Digong mo. marami ang innocent na biktima ng EJK tandaan mo iyan.”
Dahil sa kaliwa’t-kanan na mga batikos na natatanggap, naglabas ng kanyang pahayag si Etrata at aminado itong nagkamali siya at natuto na siya sa kanyang mga sinabi o pagkakamali.
Aniya : “I’m deeply grateful for the support many of you have shown. Bago lang po lahat to sa akin. Kaya pasensya na po sa lahat ng na-disappoint at nasaktan ko.
“I understand that what I said in the past caused hurt to some and I take responsibility for it. Sa totoo lang po, iniiwasan ko po talaga ang magsalita tungkol sa politics dahil napaka-divisive nito.
“Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang mahalin ang bayan at manindigan laban sa sumisira nito tulad ng korapsyon. LALO NA PO NGAYON. Huwag po kayong mag alala, natuto na po ako. Lalawakan ko pa po ang pag-iisip ko para sa ating lahat. I will continue to learn and grow.
“Mahal ko po kayo at mahal ko ang Pilipinas lalo na sa panahon ngayon. I stand for and with the Filipino people-always.” dagdag ni Shuvee.
Samantala, sa latest update naman tungkol sa dating pangulo. Hinatulan ng ICC ang dating pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ng 3 counts of crimes dahil sa kaso nitong ‘crimes againts humanity’.