Hinirang bilang kauna-unahang first female ambassador ang PBB alumni na si Shuvee Etrata ng Boy Scouts of the Philippines.
Agad kasi na nagviral sa social media ang dalaga habang suot-suot nito ang official scout uniform ng BSP habang naka-posed at naka-salute siya sa mga larawan.
Sa likuran naman ni Shuvee nakasulat sa stage ang “Memorandum of Agreement Signing Ceremony between Shuvee Etrata Scout Ambassador and the Boy Scouts of the Philippines.”
Pormal naman na ipinakilala at ibinahagi ng BSP sa kanilang social media pages ngayong araw Oct. 1, ang pagkilala nila kay Shuvee bilang the first female ambassador ng Boys Scouts of the Philippines in history.
Caption nila : “Nandito na siya! The Nation’s Darling joins the Scouting fam! Say hello to our newest Scout Ambassador, Shuvee Etrata!”
“Bringing energy, passion, and inspiration to every adventure. Ready to lead, ready to inspire, always Laging Handa!” dagdag ng BSP.
Nagbigay rin ng kanyang mensahe si Shuvee Etrata at sinabi nitong sobrang saya at super honored siya na mapili bilang bagong ambassador ng BSP.
Aniya : “Sobrang saya ko na makasama kayo bilang isa sa mga bagong Scout Ambassador ng Boy Scouts of the Philippines. I’m super honored dahil hindi lang ito basta title para sa akin, it’s a dream come true to be part of this scouting family and to represent what we stand for,
“Mula sa pagtulong sa ating komunidad, pangangalaga sa ating kaligtasan hanggang sa mga simpleng pag-gawa ng kabutihan. Tinuturuan tayo ng scouting na palaging kumilos at laging handa,
“So, tara na scouts! Sama-sama nating ipakita ang saya, ang pagkakaibigan [at] ang pagmamalasakit na dala ng scouting! Let’s show the world that as a scout, we can lead, we can care for one another!” dagdag ni Shuvee.
Samantala, hindi na mahagilap si Shuvee sa noontime ng It’s Showtime dahil sa kadahilanan ng kanyang busy schedules.