Naglabas na ng pahayag ang aktres na si Sanya Lopez tungkol sa mga taong bumabatikos sa kanya matapos siyang sumailalim sa nose surgery.
Kung ating babalikan, naging paksa ang kapuso aktres na si Sanya sa social media matapos bumungad sa mga netizens ang bago nitong look, not just a new look dahil new nose na din.
Sa halip na papuri ay tila nakatanggap ng samu’t-saring batikos ang aktres dahil sa bago nitong nose, hindi dahil sa nagpa-retoke ang dalaga kundi dahil sa hindi pantay na gawa sa kanyang ilong.
Komento pa ng mga netizens na tila mas bagay pa sa aktres ang dati nitong ilong na mukhang natural lang, masyado kasing na overpower ang bagong ilong nito at tila hindi na magandang tingnan.
Ani ng netizen : “Ano ba yan Sanya.. sinayang mo ang natural look mo.. yes oo retokada kana before pero hindi talaga siya halata.. bakit kasi hindi kapa na kuntento? ngayon super halata na ata hindi pa pantay. sa bagay pera mo naman yan. ikaw bahala.”
Kung maraming netizens ang nakapansin sa hindi pantay na ilong ng aktres, may mga celebrities rin ang naglabas ng kanilang mga pahayag at nagbigay pa ng kanilang payo kay Sanya, masyado kasi silang nababahala sa dalaga at baka raw maapektuhan ang mental health nito.
Isa ang model na si RR Enriquez at ang talent manager na si Ogie Diaz ang naglabas ng kanilang pahayag tungkol kay Sanya Lopez.
Ani RR : “Sanya utang na loob. ipaulit mo ang nose mo. Hindi pantay. Hindi yan panlalait. Concern. ako. Nakakainis yung Doktor mo. Nilaro ka.”
Ani naman ni Ogie Diaz : “Ang ganda-ganda ng batang yan nung nakita ko noong huli eh, bakit? ewan ko, hindi ba talaga sila makuntento dun sa unang gawa?
“Wala namang problema kung nagpagawa [o magpapa-retoke]. Kung sa ikakaganda, walang problema yan, at hindi na issue yung pagpapa-retoke at pagpapa-enhance, nagiging issue lang yan kapag-palpak [ang gawa],” dagdag ng talent manager.
Dahil sa mga nanabasa ni Sanya na pamumuna sa kanya sa social media, agad na naglabas ng kanyang pahayag ang dalaga. Para sa kanya hindi tunay na mga fans niya ang bumabatikos sa kanya.
Ani Sanya : “I don’t consider as fans those who treat others badly, start conflicts, or try to ruin someone else’s life. My real supporters know I don’t acknowledge that kind of attitude.”

Hindi na big deal para sa mga netizens kung magpapa-ayos ng ilong o kahit anong parts ng kanilang katawan ang mga artista sa panahon ngayon dahil alam nila na sa pagiging public figure, ito na ang kanilang puhunan lalo na’t nasa harap ng camera ang trabaho ng mga celebrities.
Nagiging issue lang ang pagpapa-retoke kung ang pagpapagawa mo ay hindi maayos o palpak.