Sandro Marcos at Kyline Alcantara, may relasyon na?

Kyline Alcantara and Sandro Marcos relationship
Kyline Alcantara and Sandro Marcos

How true kaya ang chika na may relasyon si Ilocos Norte 1st District representative Sandro Marcos sa aktres na si Kyline Alcantara?

Usap-usapan ito ngayon sa social media matapos pag-usapan ng veteran columnist na si Cristy Fermin sa kanyang show na ‘Cristy Ferminute’ ang tungkol kina Sandro at Kyline.

Ani Cristy : “Si Kyline Alcantara nali-link ang pangalan ngayon kay Cong. Sandro Marcos. Alam raw kaya ito ni Alexa Miro? Kasi si Alexa at si Cong, limang taon na tumagal ang kanilang relasyon bagama’t kailan lang umamin si Alexa para sa proteksyon ng family ng kanyang ex.”

Ibinahagi rin ni Cristy na pagdating diumano sa kapuso aktres na si Kyline ay sinusunggaban agad nito kung sino man ang nali-link sa kanya.

Dagdag ni Cristy : “Diyos ko. Si Kyline pa! Kahit anong ihain mo sa kanya, kakainin niya. Maganda siya at type na type nya ang mga ganyan. Kahit sino nga ang i-link mo sa kanya, Ride lang nang ride.”

Sandro Marcos past relationship with Alexa Miro.

Hindi lingid sa marami na bago magtapos ang buwan ng Sept. ay ibinahagi ni Alexa Miro ang tungkol sa break up nila ni Sandro Marcos matapos ang 5 taon nilang relasyon.

Inamin ni Alexa na ang dahilan ng kanilang hiwalayan ni Sandro ay dahil sa third party at matapang niya na pinangalanan ang babaeng ipinalit sa kanya at ito ay walang iba kundi ang beauty Queen at dating PBB housemate na si Franki Russel.

Ani Alexa : “Ex-boyfriend [Sandro Marcos] na ayaw ako paaminin na naging kami. Bakit kaya? Isa rin ‘yung palaisipan. Sino nagmukhang kilig na kilig sa media, edi ako diba? yes, he denied me to the public.”

kasunod sa pahayag na ito ng aktres na si Alexa, agad na niyang pinangalanan ang third-party sa relasyon nila ni Sandro.

“Clue ng girl, [si] Franki Russell.. Binastos niya pa ako sa club. Pinaiyak niya ako kasi kinausap ko [lang] siya.” dagdag ni Alexa.

Samantala, hindi pa naglalabas ng kanilang pahayag sina Kyline 23, at Sandro 31, tungkol sa kanilang tunay na relasyon. Hindi lingid sa marami na matagal ng magkaibigan ang dalawa at matagal na silang naka-follow sa isa’t-isa sa Instagram.