Isang bad news para kay Sam Milby ang ma-diagnose siya na may autoimmune diabetes.
Sa event ng Cornerstone Entertainment, dito ibinahagi at kinumpirma ni Sam Milby na mayroon siyang type 1.5 autoimmune diabetes.
Sa kanyang panayam, dito na kinamusta ang kanyang trabaho at ang sagot ni Sam : “I’m staying busy, but health wise it’s been a bit [medyo hindi]”.
Pagbabahagi pa ng aktor na nalaman niyang mayroon siyang type 1.5 diabetes matapos siyang sumailalim sa isang general check up sa Singapore kamakailan.
Aniya : “I had my check-up also in Singapore and the two doctors said that they’ll do a blood test to make sure and it was confirmed, It’s called LADA – it’s an autoimmune disease, and it means that I am diagnosed as Type 2, but eventually magiging Type 1 ako.”
Malungkot si Sam sa bad news na ito tungkol sa kanyang kalusugan, hindi niya kasi maintindihan kung paano niya ito nakuha dahil ang lolo’t-lola niya raw ay walang mga sakit na diabetes.
Wika ni Sam : “It’s part of my life. I have discipline naman sa pagkain but it was a bit surprising kasi para sa akin, healthy naman akong tao. Nakakasad, but it’s a part of my life,
“Lola’t lolo, walang diabetes. I don’t understand why, the doctor said that stress is actually a big factor on a lot of illnesses. I don’t think I was that stressed for a while, I don’t know.” say ng aktor.
Dahil sa pagkakaroon ni Sam ng diabetes, sinisigurado ng aktor na siya ay physically active at kumain talaga ng mga healthy foods.
Say niya : “I am trying to be more physically active. During pandemic hindi masyado eh. I will do some push ups and sit-ups pero cardio kulang eh. I’ve been playing pickleball for on and off two years. That’s my cardio. Sometimes, I run.”
Dagdag pa nito : “Eating habits, I’m pretty strict on my diet. The one thing that helps also is shiratake rice and shiratake pasta, okay siya masarap siya. That’s a big help.”
Marami naman sa mga netizens ang naka-relate sa pinagdadaanan ngayon ng aktor, ani pa nila na ang sakit na diabetes ay hindi talaga biro.
Ani ng netizen : “Autoimmune disease is not a joke. It changes your life in ways you’d never imagine. I’m fighting two autoimmune diseases — and now living with a physical disability. But I’m still here, still fighting.”
“Type 1.5? May ganito pala, ako type 2 kasi and nag take na rin ng insulin.”
“He will be okay with proper diet and exercise. Maraming diabetic Ang hanggang tumanda maayos pa din basta wag kumain NG bawal.” dagdag pa ng isa.

