Bakit kasalanan pa ni Sachzna Laparan kung na exposed si Mary Gold P. Antillon sa social media?
May bagong update sa issue ni Sachzna Laparan matapos ibahagi ng vlogger ang mensahe sa kanya ng ina ni Mary Gold P Antillon.
Hindi lingid sa marami na nakaraan lamang ay malungkot na ipinaalam ni Sachzna ang tungkol sa pagnanakaw sa kanya ng mismo nitong pinsan.
Ang masakit pa umano ay binilhan niya pa ito ng magandang kotse at nakatira pa sila sa iisang bahay.
Pagbabahagi ni Sachzna : “Binigyan na ng magandang buhay, sasakyan, luho, mga travel nagawa pa ko nakawan ng ilang MILYON.”
Si Mary Gold Antillon pala ang tinutukoy ni Sachzna Laparan.
Sa umpisa ay hindi pa nahulaan ng mga netizens kung sino ang taong nagnakaw sa vlogger dahil wala umanong clues, hanggang sa may isang solid fan ang naka-alala kung sino sa mga pinsan ni Sachzna ang binigyan nito ng kotse.
Chika ng fan : “Binigyan nya ng sasakyan yung pinsan nya, nung nagbirth day pagkakatanda ko si Mary Gold! Hula ko lang bilang marites Online at Solid follower.”
Mas lumakas pa ang haka-haka ng mga marites matapos maglabas ng ‘notice to the public’ si Sachzna noong Oct. 15 tungkol kay Mary Gold.
Sa pamamagitan ng abogado ng vlogger, dito nila ibinahagi online na si Mary Gold ay hindi na konektado sa anumang negosyo o kompanya ni Sachzna.
Ayon sa Espino Valencia Law Office : “This is to formally announce that, effective 14 October 2025, Ms. Mary Gold P. Antillon is no longer connected or associated with Ms. Sachzna Laparan.”
Sa social media story naman ni Sachzna, dito niya ibinandera ang naging mensahe sa kanya ng ina ni Mary Gold, tila sinisisi pa nito na napahiya ang kanyang anak sa maraming tao pero ang pera umano na ninakaw sa vlogger ay kaya naman raw kitain.
Mensahe ng ina ni Mary Gold kay Sachzna : “Nasabi mo na lahat ng masasakit na salita sa anak ko na post mo na sa [social] media ang nangyari, sabi mo kung anuman ang nawala sayo kaya mo kitain pero ang kasiraan ng anak ko na pinost mo mababalik pa ba ‘yun?
“Sachzna baon na sa kahihiyan ang anak ko Sa buong pilipinas, ‘Di pa ba sapat ‘yun?” dagdag ng ina ni Mary Gold.

Mapapansin naman na tila isang clue ang sound o music na ginamit ni Sachzna Laparan sa kanyang Facebook story. Makikita kasi na ginamit nito ang Suddenly song by Mary Gold.
Sagot pa ni Sachzna : “Ay sorry po kung nag nakaw ng ilang million anak n’yo, at na-post ko. Next time may mukha at kaso na.”