How true ang chika na si Mary Gold Antillon ang nag-traydor at nagnakaw kay Sachzna Laparan?
Viral ang post ng vlogger na si Sachzna Laparan matapos umugong at pag-usapan ang issue nila ni Mary Gold Antillon sa social media.
Oct 15, ibinahagi ni Sachzna sa kanyang Facebook account ang tungkol sa taong binigyan niya ng magandang buhay, sasakyan at mga luho ngunit nagawa pa siya nitong pagnakawan.
Pagbabahagi ni Sachzna : “Binigyan na ng magandang buhay, sasakyan, luho, mga travel nagawa pa ko nakawan ng ilang MILYON.
“BETRAYED. AGAIN.” dagdag ng vlogger.
Marami naman sa mga netizens ang napatanong kung ‘Da who?’ ang taong tinutukoy ni Sachzna, dahil dito ay nagbigay ng clues ang vlogger sa comment section.
Wika ni Sachzna : “Worst part? Kadugo ko pa nasa bahay ko pa.”
“NAPAKA-MANIPULATIVE PA! PINAG AWAY AWAY KAMI NG PAMILYA KO NGAYON KO LANG NALAMAN LAHAT.” dagdag ng vlogger.
Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng mensahe sa vlogger na sana raw ay wag masyadong magtiwala kahit na sa kanyang kamag-anak, Dahil umano sa kabaitan ni Sachzna ay tila naabuso na raw ito.
Ani ng netizens : “I know your heart is pure but please do remember that being BLOOD RELATED ; Is not a free pass to not set your boundaries.”
“Some of them might take it as an Opportunity to abuse your kindness at take it as an excuse for their entitlement to manipulate & abuse you.” Sending you virtual hugs , Please learn to set boundaries for the sake of your mental health! Set boundaries for everyone.”
“‘Binigyan nya ng sasakyan yung pinsan nya, nung nagbday pagkakatanda ko. Hula ko lang bilang marites Online at Solid follower”
“masyado ka kasing mabait. once u trust a person , bigay todo ka beh. yan ang ugali mo kasi. Hindi masama ang maging mabait, pero hindi din masama maging mapag masid sa mga taong nadating o dadating sa buhay mo happy.” dagdag pa ng isa.
Netizens, tinuturong si Mary Gold Antillon ang nanloko at nagnakaw kay Sachzna Laparan.
Dahil sa mga clues na binibigay ni Sachzna sa social media, tila nagtuturo ito sa pinsan ng vlogger na binigyan niya ng kotse noon. Komento nila : “Si Gold?”.
Mas lumakas pa ang haka-haka ng mga marites matapos maglabas ng ‘notice to the public’ si Sachzna noong Oct. 15 tungkol kay Mary Gold.
Sa pamamagitan ng abogado ng vlogger, dito nila ibinahagi online na si Mary Gold ay hindi na konektado sa anumang negosyo o kompanya ni Sachzna.
Ayon sa Espino Valencia Law Office : “This is to formally announce that, effective 14 October 2025, Ms. Mary Gold P. Antillon is no longer connected or associated with Ms. Sachzna Laparan.”

Dahil sa ‘notice’ na ito ay tila nakumpirma nga nila kung sino ang salarin na nagnakaw ng milyones sa vlogger.
“So confirmed nga na si Mary Gold ang kawatan?” komento ng netizen.
Sa ngayon, habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Mary Gold Antillon tungkol sa pagtanggal ni Sachzna Laparan sa kanya.