Rufa Mae Quinto as Vice Ganda, Waley o Havey?

Rufa Mae Quinto as Vice Ganda in Your Face Sounds Familiar
Rufa Mae Quinto at Vice Ganda

Rufa mae Quinto nag-ala Vice Ganda sa Your Face Sounds Familiar, tuwang-tuwa ang mga netizens.

Usap-usapan ng mga netizens ang aktres at komedyanteng si Rufa mae Quinto matapos nitong gayahin ang looks at boses ng ‘Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar’ na si Vice Ganda sa YFSF.

Hindi lingid sa marami na sa pagbabalik ng YFSF o Your Face Sounds Familiar para sa kanilang 4th season, ay may mga bagong celebrity casts na sasabak sa kanilang patimpalak.

Gaya na lamang nila Rufa Mae Quinto, Alexa Ilacad, Dia Mate, Akira Morishita, Jarlo Base, Jason Dy, Pepe Herrera, at ang duo na sina JM dela Cerna at Marielle Montellano.

Sila ay sasabak sa matinding transformations upang magaya ang wangis at boses ng mga celebrities na dapat nilang ma-impersonate.

Sila ay susubukin at bibigyan ng scores ng mga hurado na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta, kasama rin sa naturang show bilang mga bagong hosts sina Vhong Navarro at Jhong Hillario.

Upang mapag-tagumpayan nila ng maayos at magaya ang boses ng mga sikat na personalidad na dapat nilang gayahin ay gagabayan sila ng mga coaches na sina Klarisse de Guzman at Nyoy Volante.

Rufa Mae Quinto as Vice Ganda sa Your Face Sounds Familiar.

Tila week 1 pa lamang ng 4th season ng Your Face Sounds Familiar ay tila pasabog na ito dahil sa mga viral performances ng mga celebrities.

Ngayon kasi ay usap-usapan ang naging performance ni Rufa Mae Quinto dahil nag-ala Vice Ganda ito na tila agad na nag-viral online.

Sa kanyang performance, kinanta ni Rufa ang sikat na kanta ni Vice na ‘Rampa’ sinabayan pa niya ito ng pag-indak na naghatid ng katatawanan sa mga hurado at mga audience.

Komento ng netizen : “HINDI KABOSES AT KAMUKHA NI MEME PERO WALA AKONG PAKIALAM!!! TANGINA GO RUFA MAE.”

Marami naman sa mga netizens ang tunay na natuwa at na-entertain sa naturang performance na ito ni Rufa Mae Quinto kahit di masyadong nagaya ang looks at boses ni Vice Ganda ay bawing-bawi naman raw sa audience impact.

Chika ng netizens : “si ruffa mae lang makakagawa neto na nakakatawa.. perfectionist tayo sa iba pero iba si peachy shutaaa kahit ano ata gawin neto nakakatawa talaga sya HAHAHAHA.”

“All around yan siya! Performer pero choice niya gagawin niya, host, producer, etc. Kung ano gusto gawin ni Rufa Mae, yun na yun. Deadma kung hindi ka face or ka sound! Si Rufa Mae talaga dahilan bakit 4 episodes at 1st round. Sure na.”

“ajajajajaja totoo walang ipinasa kahit anong category pero audience impact tlga shuttaaaa.” dagdag pa ng isa.

Bakit sumali si Rufa Mae Quinto sa Your Face Sounds Familiar?

Kung ating babalikan, ibinahagi ni Rufa ang tunay na rason kung bakit niya sinubukan na mag-audition at kung bakit niya gustong-gusto na makasali sa programa ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar.

Rufa Mae Quinto Your Face Sounds familiar performance
Ruffa Mae Quinto as Vice Ganda

Dahil kasi ito sa mga problema na pinagdaanan niya kamakailan, aniya na gusto niyang makalimot, maglibang at maging masaya muli.

Pagbabahagi ni Rufa : “Ako po dumaan sa maraming pinagdaanang problema–– madrama. Kaya sabi ko gusto ko na may gawin na maganda para malibang ako kasi kailangan ko yun.. Nagluluksa din kaming mag ina,

“Yung na-offer sa akin ‘to [YFSF], kung gusto ko daw mag audition, sabi ko maganda ito kasi matagal din na hindi ako nag full blast sa showbiz. Kumbaga kung may commercial, pa sulpot-sulpot lang. Halos sampung taon ganun yung career ko dahil nag pamilya ako,

“Bliness naman ako, natanggap naman ako kaya ginawa ko ‘to. Yun yung dahilan para maging masaya ako pero totoo naman na nagkaroon ako ng bagong pamilya dito sa ABS-CBN kaya maraming salamat sa inyo.” Say ni Rufa.

Ibinahagi rin ni Rufa na first time niya pala na sumali sa ganitong uri ng contest at aminado rin siya na ang boses niya ay hindi gaano makaka-palag sa mga kasama niya sa YFSF.

Chika ni Rufa : “First time ko rin mag contest na mahirap pala kasi akala ko iba yung kakanta ka lang eh. Iba yung may judge, iba yung sasayaw, iba yung may kalaban, iba yung magagaling. Tsaka alam ko kahit anong gawin ko yung boses ko hindi naman magiging kapantay nung mga champion, di ba? Pero humanda sila.”

Samantala, kailangan rin natin na abangan si Vice Ganda dahil makikipag-kulitan ito sa Bubble Gang, ito ay kinumpirma ng kanilang production at mapapanood anytime soon.