Laman na naman ng usap-usapan ng mga netizens ang pinoy psychic na si Rudy Baldwin matapos nitong mahulaan ang Cebu earthquake.
Ayon sa ulat ng ‘Phivolcs’ o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nangyari ang malakas na lindol sa Bogo City sa Cebu noong Sept. 30 ng gabi na may lakas na magnitude 6.9.
Samantala, isang aso naman ang matapang na iniligtas ang kanyang amo sa Cebu Earthquake.
Kinabukasan Oct. 1 ay tumambad na ang mga pinsala ng malakas na lindol at mga taong binawian ng buhay, isa sa matinding napinsala ng earthquake ay ang lumang Simbahan na Archdiocesan Shrine of Santa Rosa de Lima sa Bogo City.
Ang naturang simbahan ay itinuturing na isa sa mga heritage landmark ng Cebu at ito ay kasama sa mga hula ng psychic na si Rudy Baldwin taong 2021.
Umabot man ng halos limang taon ang naging hula na ito ni Rudy ay tila binalot parin ito ng pangingilabot mula sa mga netizens at muli nilang binalikan ang lumang post na ito ni Baldwin.
Bahagi ng post ni Rudy noong January 2021, : “#CEBU NAKIKITA KO SA VISION KO ANG MANGYAYARI PA LAMANG ANG MALAKAS NA LINDOL, MALAKAS ITO DAHIL SA PINSALA NA NAKIKITA KO NAKIKITA KO DIN SA VISION KO ANG PINSALA NA TINAMO NG SIMBAHAN SA CEBU.”

Tila naging hati naman ang opinyon ng mga netizens sa social media dahil sa matagal na itong post ni Rudy, pero marami parin sa kanila ang naniniwala, muli naman na ibinahagi ni Baldwin ang kanyang hula na ito noong 2021 kahapon Oct. 1 at nilinaw nito na taon-taon niya itong ipinapaalala sa kanyang Facebook page.
Ani pa ni Rudy : “TAONG 2021 PA ITO PINAKITA SA AKIN .BINANGGIT KO DIN ULIT ITO NG 2024 AT PINAALALA KO ULIT DALAWANG BESES ITONG TAONG 2025,
“UPANG LAHAT AY MAKAPAG INGAT AT HANDA .MGA TAGA CEBU MASUNDAN PA PO ITO NG ISANG PANG MALAKAS NA LINDOL AT DALAWANG YANIG NA TAMA LANG ANG LAKAS AT MAGING HANDA SA DALAWANG TSUNAMI NA MANGYARI PA LAMANG SA MAGKAIBANG LUGAR NG PILIPINAS.” pagbabahagi ni Rudy.
Kayo naniniwala ba kayo kay Rudy Baldwin?