Rudy Baldwin, may nakakakilabot na nakita sa Cebu.

Rudy Baldwin Cebu prediction
Rudy Baldwin

Hindi pa tapos, yan ang babala ni Rudy Baldwin sa mga taong naninirahan sa Cebu.

Ayon sa pinoy psychic na si Rudy Baldwin, kailangan magdoble ingat ang mga taga Cebu dahil sa muling nakita ng kanyang vision o prediction.

Kung ating babalikan, Sept. 30 ng gabi naganap ang malakas na lindol sa Bogo City, Cebu at sa mga karatig lugar nito na may lakas na magnitude 6.9 at nagkaroon ng sunod-sunod na after shocks.

Kinabukasan Oct. 1, ay tumambad na ang mga pinsala ng malakas na lindol, mga bahay na nasira at mga taong binawian ng buhay.

Sabay rin na naging usap-usapan sa social media ang asong si Luke matapos nitong iligtas ang kanyang pamilya sa Cebu earthquake.

Muli naman na nag-viral sa social media ang naunang vision ni Rudy Baldwin na tila pinag-iingat nito ang mga taga-Cebu taong 2021.

Courtesy : Rudy Baldwin Cebu earthquake post
Courtesy : Rudy Baldwin Cebu earthquake post

Sa panibagong social media post ni Rudy noong Oct. 6, dito na niya binigyan ng babala ang mga taga-Cebu at ang mga lugar na nasa paligid nito gaya na lamang sa Mandaue at Mactan.

Aniya : “LAGI KO PO PINAPAALALA YAN PALAGI. NGUNIT ME NAKITA AKONG BABALA ULIT SA CEBU. NA ME MANGYARING MALAKAS ULIT AT TATAMA ITO SA TATLONG LUGAR SA CEBU.

“NGUNIT MAS MARAMING PINSALA ANG DULOT NITO  MANDAUE AT MACTAN CEBU. ITONG MARAMING PAGYANIG PINAKITA SA AKIN NA ME MALAKAS PA AT HALOS ANG MGA LUGAR NA KUNG SAAN DYAN TUMUTULOY ANG MGA NAGBAKASYON AY MAS MALALA NA MAKARANAS NG PINSALA AT SUNOG.

“ME MGA PAG GUHO SA MGA GUSALING TULUYAN NG MGA NAGBABAKASYON. ME DALAWANG KILALANG SIMBAHAN NA SA KABILA NG TIBAY NITO AY HINDI NAKALIGTAS SA LINDOL AT NASIRA ANG BAHAGI NG ISA AT ANG ISA AY GUMUHO NG TULUYAN. ULITIN KO MGA TAGA CEBU MAULIT ULIT ANG MALAKAS NA PAGYANIG.” bahagi ng vision ni Rudy.

Nanawagan naman si Rudy sa lahat na wag kalimutang manalangin palagi at nilinaw nito na siya ay hindi Diyos o Propeta.

Ikaw naniniwala ka ba sa mga visions o mga prediksyon ni Rudy Baldwin?