May payo si RR Enriquez kay Sanya Lopez matapos nitong mapansin na tabingi ang ilong ng aktres matapos itong sumailalim sa nose surgery.
Hindi lingid sa marami na nakaraang linggo lamang ay tila napansin ng mga netizens ang malaking pagbabago sa hugis o hulma ng ilong ni Sanya, dito na nadismaya ang mga fans ng aktres dahil hindi umano bumagay sa kanya ang ilong nito.
Komento pa ng mga netizens na tila mas bagay pa sa aktres ang dati nitong ilong na mukhang natural lang, masyado kasing na overpower ang bagong ilong nito at tila hindi na magandang tingnan.
Ani ng netizen : “Ano ba yan Sanya.. sinayang mo ang natural look mo.. yes oo retokada kana before pero hindi talaga siya halata.. bakit kasi hindi kapa na kuntento? ngayon super halata na ata hindi pa pantay. sa bagay pera mo naman yan. ikaw bahala.”
Hindi lang isa, dalawa o tatlong netizens ang nakapansin na hindi nga pantay ang bagong ilong ni Sanya, mapapansin mo rin ito sa mga recent videos niya online na medyo may pa-curve part sa bandang ibaba o lower tip ng kanyang ilong.
Maging ang model-dancer na si RR Enriquez ay napansin ang ilong na ito ni Sanya na medyo may mali o tabingi talaga kaya rekta nga itong nagbigay ng payo para sa aktres.
Sa Instagram post ni RR, naka screenshot ang reel o video ni Sanya kalakip ang payo nito para sa aktres, para kay RR mukhang pinaglaruan lang umano ang aktres ng kanyang doktor, nanawagan din ito na sana’y ipaulit ng dalaga ang kanyang ilong.
Ani RR : “Sanya utang na loob. ipaulit mo ang nose mo. Hindi pantay. Hindi yan panlalait. Concern. ako. Nakakainis yung Doktor mo. Nilaro ka.”
Ayon naman sa ilang netizens na sana raw ay agad na mapaayos ni Sanya ang kanyang ilong, naiintindihan raw nila na ang trabaho ng aktres ay ang humarap sa kamera pero para sa kanila ay mas maganda talaga ang looks niya noon kaysa sa ngayon.
Ani ng netizen : “Alam naman natin na ang mga artista ay mahilig sa retoke kasi nga hanapbuhay nila ang kanilang looks o mukha, pero sana naman mapaayos na. ni sanya ang ilong niya kasi hindi talaga maganda tingnan kasi hindi pantay.”