Roi Vincent Cruto, hinagis ang pusa sa tulay para sa reels.

Galit na galit ang mga netizens kay Roi Vincent Cruto.

Viral online si Roi Vincent Cruto matapos niyang itapon ang pusa sa matarik na tulay sa East West Road, Brgy. Kayquit II, Indang, Cavite.

Sa salaysay naman ng suspek sa mga pulis, nakita raw niyang nasagasaan ang pusa kaya inihagis niya ito mula sa tulay sa pag-aakala niyang patay na raw ito.

Agad naman na nahanap ng mga netizens ang iilan sa mga detayle ng pagkatao ng 23 years old na suspek at ito ay naninirahan sa Indang, Cavite na kasalukuyang nag-aaral sa CvSU o Cavite State University.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente na pagtapon ni Roi sa kawawang pusa noong February 17, agad naman na na-rescue ang pusa at pinangalanan nila itong si “MERAKI”.

Animal Welfare groups reported that the cat survived the fall
Animal Welfare Group

Isang concerned netizen naman na si Aaliyah Sakutashi ang tuluyang nag-sampa ng kaso sa suspek na si Roi, aniya “I’m taking it to court.”

Pagbabahagi ni Aaliyah : “I have officially filed a Complaint-Affidavit against Roi Vincent Cruto for violation of the Animal Welfare Act (Animal Abuse).”

“Cruelty shouldn’t go unpunished. The video of Roi Vincent Cruto throwing a cat into the river was heartbreaking, and today, I’m taking it to court.”

Dagdag pa niya : “I am seeking his current address to finalize the summoning process. Any leads would be greatly appreciated. Accountability starts now. My lawyer and I will make sure justice is served for the animal abuse committed by Roi Vincent Cruto.”

Ayon naman kay Trisha Lim, presidente ng animal welfare group na ‘Humane Philippines’, magsa-sampa sila ng kaso laban sa suspek dahil sa paglabag nito sa Republic Act 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998. 

Sa Lunes naman, Feb. 23, pormal na maghahain ng kaso ang grupo sa tulong ng alkalde ng bayan upang mabigyan ng kaukulang proseso ang insidente.

Mariing pina-alalahanan ng awtoridad ang suspek na hindi pinahihintulutan ang ganitong insidente at patuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang kaniyang pananagutan.