Hinatulan ng ICC ang dating pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ng 3 counts of crimes dahil sa kaso nitong ‘crimes againts humanity’.
Ang hatol na ito ng ICC ay dahil sa involvement diumano ni Duterte sa 76 murders in total na nangyari sa kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot o ‘war on drugs’ noong panahon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo.
Ang first count ay tungkol sa involvement ni Duterte sa 19 murders na nangyari noon sa Davao City habang siya pa ang nakaupong Mayor taong 2013 hanggang 2016.
Ang second count naman ay ang 14 murders ng mga tinatawag nilang ‘High Value Targets’ noong siya na ang pangulo ng bansa taong 2016 to 2017.
Ang third count ay ang involvement ng dating pangulo sa pagkamatay ng halos 43 katao na diumano’y mga drug users, drug dealers at mga pushers, dahil parin ito sa kanyang ‘war on drugs’ campaign noong siya pa ang nasa Malacañang bilang pangulo ng Pilipinas taong 2016-2018.
Ani ng ICC prosecutors : “The actual scale of victimization during the charged period was significantly greater, as reflected in the widespread nature of the attack,
“The attack included thousands of killings, which were perpetrated consistently throughout the charged period,” dagdag ng ICC prosecutors.
Ayon naman sa abogado ni Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman, masyado na umanong makakalimutin si Rodrigo at hirap na iproseso ng kanyang memorya ang mga bagay-bagay.
Base kasi sa mga pagsusuri na ginawa sa dating pangulo, lumabas sa kanyang mga resulta medikal ang ‘impaired memory’ o ang hirap sa pag-retain ng mga bagong impormasyon.
Agad din na naging usap-usapan sa social media ang matapang na komento ng kapuso aktres na si Carla Abellana dahil sa iniwan nitong ‘bullshit’ comment tungkol sa ‘memory illness’ ng dating pangulo.
Kung ating babalikan, naaresto si Duterte noong March 11 sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport, matapos lumapag ang kanilang sinasakyan na eroplano mula sa Hongkong at agad-agad itong sinakay sa isang private plane para dalhin sa ICC o International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Dahil sa pag-aresto sa dating pangulo, agad na pumalag ang anak ni Digong na si Baste Duterte sa mga opisyal na nasa likod nagpaka-aresto sa kanyang ama, tinawag pa nitong ‘dinukot’ at ‘kidnapping’ ang pagkuha kay Rodrigo na walang kalaban-laban.
Ani Baste : “Now you kidnapped an 80-year-old, retired, former president, what’s that? As if he did nothing good for our country that you’d treat him that way,”
Sept. 11 pormal nang nagsampa ng kaso si Baste sa Office of the Ombudsman sa Mindanao laban sa mga opisyal na nasa likod ng pag-aresto sa kanyang ama sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon.