Menu
Robin Padilla, tatakbong Vice President?

Tatakbong Vice President si Robin Padilla sa 2028?
Inamin ni Robin Padilla na bukas ang kanyang sarili para tumakbong Vice President sa 2028 bilang running mate ni Sara Duterte.
Kung ating babalikan, idineklara ni Vice President Sara Duterte noong Feb 18 ang kanyang pagtakbo sa darating na eleksyon sa taong 2028 bilang presidente ng bansa.
Ani Sara : “I am Sara Duterte. I will run for president of the Philippines.”
“It took me 47 years to understand that my life was never meant to be only mine. Unlike others, I may not have been born just to chase happiness.” bahagi ng kanyang pahayag.
Dito na naging pala-isipan sa mga netizens kung sino ang magiging running mate ni Inday Sara.
Ngayong araw, ibinahagi ni Robin na kung uutusan raw siya ni Rodrigo Duterte na tumakbong Vice President sa 2028 ay susunod agad siya.
Ani Robin : “Kapag utos ni Digong. Walang pwedeng mag utos sa akin kahit sino, si Digong lang. Kasi ayaw ko talaga ng pulitika, alam naman lahat ng… nanay ko alam yan, mga kapatid ko, asawa ko. Basta sinabi ni Digong susunod ako.”
Dagdag pa niya : “Ipinanganak po tayong ready. Lalo na yan, para sa akin… Vice President, hindi naman masyadong ano yan…puro advocacy lang yan eh. Parang ikaw ang spare tire, ‘di ba? Kayang kaya yan.”
Dito na agad na naka-tanggap ng samu’t-saring batikos si Robin dahil para sa iilan ay hindi para sa kanya ang maging vice president ng ating bansa sa taong 2028.
Ani ng netizens : “Paalala lang po hindi po battle of the brainless ang kaganapan sa 2028.”
“Politics in the Philippines nowadays seems to be increasingly blended with showbiz personalities and questionable tactics. It’s becoming more of a spectacle than a serious platform for leadership and governance.”
Dagdag pa ng isa : “Pwede. Tingnan mo si Sara. VP na walang ginagawa. Si Robin. Senador na wala din ginagawa.”



