Courtesy : Robin Padilla

Robin Padilla, nagsalita na tungkol sa pag-dirty finger niya.

Nagsalita na si Sen. Robin Padilla matapos kumalat ang mga larawan niya na naka-dirty finger diumano habang kumakanta ng Lupang Hinirang.

Kung ating babalikan, Sept. 8 kumalat ang mga larawan ng senador sa opening ng Senate Plenary Session habang kumakanta ito ng ating Pambansang Awit.

Courtesy : Robin Padilla
Courtesy : Robin Padilla

Sa naturang mga larawan, kitang-kita ang kanang palad (right palm) ni Robin habang naka-usli ang isang daliri nito na nakalapat sa kanyang dibdib. Kaya naman agad itong nakatanggap ng samu’t-saring batikos mula sa mga netizens online.

Maraming netizens ang nagsasabing ‘bad boy’ na nga ang senador sa mga pelikula hanggang sa totoong buhay pala ay bastos at masama pala talaga ang pag-uugali nito. Ang ginawa umano ng senador ay isang uri ng hindi paggalang sa National Anthem ng ating bansa.

Ani ng netizen : “Tinaguriang bad boy sa mga palabas [pelikula] hanggang sa senado bastos at walang respesto sa ating national anthem.”

“Sino kaya ng lukluk dyan. Ngayon ng sisi na kayo. isipin nyo kumakanta ng lupang hinirang. tapos ganyan Ang pag lagay kamay sa dibdib. tayong mga pilipino Ang binabastos nya. ay nako tatak walang isip,” komento pa ng isa.

Kung ating susuriin, hindi maayos ang kuha sa anggulo ng larawan na ito ni Sen. Robin kaya nagmumukhang naka dirty finger ang senador. Agad rin na nagbigay ng kanyang pahayag si Robin at hindi ‘middle finger’ ang nakausli sa kanyang kamay kundi ang kanyang ‘index finger’ o hintuturo.

Courtesy : Robin Padilla
Courtesy : Robin Padilla

Tinatawag ni Sen. Robin ang pag-usli ng kanyang index finger habang kumakanta ng Pambansang Awit na ‘la ilaha illa Allah’, na ang ibig sabihin umano ay ‘Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah’.

Paglilinaw ni Sen. Robin : “Magpapakamatay na lang po ako kung gagawin ko ‘yon,

“Pero ito pong ganap na ito, hindi po nangyari ito. Meron pong larawan na tunay kung ano po yung ating ginagawang talima,

“Gusto ko pong iparating sa inyong lahat, ito po ay banal sa aming mga Muslim. Ito po ang pundasyon ng aming pananampalataya. Dito po nakasalalay ang aming pag-ibig, paggalang, pagsunod sa Panginoong Allah,

“Hindi po namin puwedeng gawing kabastusan ito. Pero pagdating po sa pananampalataya namin, nagpapakamatay po kami para sa pananampalataya namin.” bahagi ng pahayag ni Sen. Robin.

Sa ngayon ay malinaw na ang hindi pag-dirty finger si Sen. Robin Padilla sa senado habang kumakanta ng ating Pambansang Awit.