Robin Padilla, may payo kay Aljur : “magsipag ka pa lalo.”

May ibinigay na payo si Sen. Robin Padilla sa dating asawa ng kanyang anak na si Kylie Padilla.

Hindi na raw nagulat si Robin Padilla matapos malaman ng publiko na may limang anak na si Aljur Abrenica kay AJ Raval.

Kung ating babalikan, usap-usapan sa social media ang pag-amin ni AJ kay Boy Abunda na sa kasalukuyan ay mayroon na siyang limang anak, tatlo ang anak niya kay Aljur.

Ani AJ : “Actually Tito Boy, lima na po. I have five kids, first one is my Arianna, panganay ko po siya, seven [years old]. And then, second one is Aaron. He’s an angel. Wala na po siya. And then, third one is Althena, ‘yung panganay po namin si Aljur [Abrenica]. [Si] Junior, and then Abraham.”

Robin Padilla to Aljur Abrenica: 'Good luck'
AJ Raval

Ang anak ni Robin na si Kylie Padilla ay kasal kay Aljur Abrenica, sila ay nagkaroon ng dalawang mga anak na sina Alas at Axl. Sa kabuuhan mayroon ng limang anak ang aktor.

Nakapanayam ng media si Sen. Robin matapos itong pumirma ng kanyang kontrata sa Viva Entertainment, dito na naitanong sa kanya ang tungkol sa rebelasyon nina AJ at Aljur kamakailan.

Say ni Robin : “Wala ako alam sa ganyan. Pero hindi na ako nabibigla sa ganyan. Hindi na ‘yan kabigla-bigla sa panahon ngayon,

“Ano, re-react ko ba dapat? Dapat si Kylie. Wala naman ako nasasabi. Maayos sila, hindi sila nag-aaway. Alam ko lumalabas sila na pamilya.”

Dito na nagbigay ng payo ang senador para kay Aljur, ayon sa kanya na kailangang mag-doble kayod ang aktor dahil marami na siyang mga anak.

“Good luck. Magsipag ka lalo dahil marami ka nang anak. Iba na…wala naman ako masasabi kundi good luck sa lahat.” payo ni Robin.