Robi Domingo, nagsalita sa issue nila ni John Lloyd Cruz.

Ano ba ang issue ni Robi Domingo kay John Lloyd Cruz?

Nagbigay ng pahayag ang tv-host na si Robi Domingo tungkol sa tensyon na nangyari sa pagitan nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Kung ating babalikan, ibinahagi ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang Youtube vlog ang tungkol sa eksena nina Robi at John Lloyd sa mismong kasal nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo noong Dec. 23, 2025.

Nangyari raw ang sigawan at muntik pa na mag-suntukan ang dalawa sa mismong reception ng kasal nina Ria at Zanjoe. Dahil sa hindi nagustuhan ni John Lloyd ang naging biro o joke ni Robi sa bagong kasal.

Sa naturang event, si Robi ang host at habang sa stage raw ito ay bigla siyang nag-biro kina Ria at Zanjoe.

Joke ni Robi : “how does it feel do be Mrs. Marudo?’ and si Zanjoe naman, ‘how does if feel to be Mr. Atayde?’”

Hindi raw nagustuhan ni John Lloyd ang hirit na ito ni Robi, dito na ibinahagi ni Ogie na nagkaroon ng hindi magandang eksena sa dalawa habang pababa ng stage si Domingo.

Chika ni Ogie : “So, pagbaba ni Robi ng entablado patungo do’n sa may bar, eh, biglang um-approach si John Lloyd Cruz na isa rin sa mga bisita at ‘yung tagpo na ‘yun na paglapit ni John Lloyd, eh biglang napalakas ‘yung boses ni John Lloyd kaya nakapukaw ng atensyon ng ibang bisita.”

Dagdag pa niya : “Sabi raw ni John Lloyd [kay Robi], ‘mali ‘yung sinabi mo! in-appropriate ‘yung sinabi mo okay ba ‘yung sinabi mo na tawagin mong Mr. Atayde [si Zanjoe].”

Tanong raw ni Robi : “May isyu ba tayo?” sagot raw ni John Lloyd : “Bakit ano gusto mo mangyari?!”.

Sa latest interview naman ni Robi noong January 16, dito na naitanong sa host kung ano ang tunay na nangyari sa kanila ni John Lloyd.

Hindi diretsahang sinagot ni Robi ang tungkol sa sigawan at sagutan nila ni John Lloyd pero hindi niya kinumprima o dinenay ang nangyari.

Sagot ni Robi : “My stand is as long as Ria and Zanjoe are okay, then I’m okay. Yun ang pinaka-mahalaga. The Atayde family is okay, the Marudo family is okay, for me there’s nothing to worry about.”