Robi at John Lloyd, nag-sigawan sa kasal nina Ria at Zanjoe?

How true ang chika na muntik na raw mag-suntukan sina Robi Domingo at John Lloyd Cruz?

Ibinahagi ni Ogie Diaz na nagkaroon diumano ng hindi magandang eksena sina Robi Domingo at John Lloyd Cruz sa kasal nina Ria at Zanjoe.

Kung ating babalikan, ikinasal ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo noong December 23, 2025. Sa mismong reception raw ng kanilang kasal naganap ang sigawan nina Robi at John Lloyd.

Chika ni Ogie Diaz, walang lumabas na mga video tungkol sa nangyari dahil mahigpit na pinagbawal nina Ria at Zanjoe ang gumamit ng cellphone sa kanilang kasal o maging sa mismong reception.

Ani Ogie : “May pouch bag, binigyan lahat para roon isilid lahat ang cellphone. Request ng bagong kasal na walang magvi-video kaya pansinin n’yo, walang lumabas.”

Ayon pa sa talent manager, halos mga ‘close friends’ lang raw nina Ria at Zanjoe ang invited at si Robi Domingo ang naging host sa kanilang reception.

Habang nagho-host raw, dito na hindi nagustuhan ni John Lloyd Cruz ang joke o biro na binitawan ni Robi Domingo.

Pagpapatuloy ni Ogie : “So habang nagho-host si Robi ay nasambit niya kay Ria na, ‘how does it feel do be Mrs. Marudo?’ and si Zanjoe naman, ‘how does if feel to be Mr. Atayde?’”

Since close friends naman sina Robi, Ria at Zanjoe, nagtawanan lang raw ang mga ito [hindi issue ang joke]. Ngunit noong pababa na raw si Robi ng stage ay bigla raw itong nilapitan ni John Lloyd.

Pagbabahagi ni Ogie : “So, pagbaba ni Robi ng entablado patungo do’n sa may bar, eh, biglang um-approach si John Lloyd Cruz na isa rin sa mga bisita at ‘yung tagpo na ‘yun na paglapit ni John Lloyd, eh biglang napalakas ‘yung boses ni John Lloyd kaya nakapukaw ng atensyon ng ibang bisita.

“Sabi raw ni John Lloyd [kay Robi], ‘mali ‘yung sinabi mo! in-appropriate ‘yung sinabi mo okay ba ‘yung sinabi mo na tawagin mong Mr. Atayde [si Zanjoe].”

Tanong raw ni Robi : “May isyu ba tayo?” sagot raw ni John Lloyd : “Bakit ano gusto mo mangyari?!”.

Chika rin ni Ogie na pati si Donny Pangilinan ay nasigawan rin ni John Lloyd matapos umawat sa kanilang dalawa.

Sigaw raw ni John Lloyd kay Donny : “Huwag kang makialam dito ha!”

Pahabol ni Ogie : “Hindi mo talaga maiintindihan itong sitwasyon na ito kasi wala tayo do’n, eh. Kaya hindi ko rin sila huhusgahan.”