“Hindi habang buhay mamamalimos tayo.” – yan ang payo ni Rita Gaviola sa mga kapwa niya Badjao.
Hindi lingid sa marami na bago pumasok sa bahay ni kuya o sa Pinoy Big Brother Lucky 7 Edition si Rita ay nag-viral muna sa social media ang mga larawan ng dalaga habang siya ay namamalimos sa kalsada taong 2016.
Sa naturang larawan ay makikitang bitbit niya ang kanyang nakakabatang kapatid habang namamalimos ang dalaga sa kahabaan ng kalsada sa Lucban, Quezon.
Agad naman itong pinag-usapan online dahil sa natatanging likas na ganda ni Rita at sa pagkakaroon nito ng natural morena beauty.

Sa mga panahon na ito ay 13 anyos pa lamang si Rita, nakunan siya ng mga larawan ng isang photographer na si Topher Quinto Burgos sa gitna ng kapistahan ng Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon noong May 15, 2016.
Ang pagpasok ni Rita sa Pinoy Big Brother.
Dahil sa pag-viral ng mga larawan na ito ni Rita, nagbukas sa kanya ang mundo ng showbiz at dito na siya nakatanggap ng imbitasyon mula sa ABS-CBN para maging official housemate at ipinakilala noong Sept. 5 2016.
Siya rin ang kauna-unahang Badjao na nakapasok sa kompetisyon.
Nakilala si Rita sa Pinoy Big Brother Lucky 7 Edition bilang si ‘Ang Badjao Girl ng Lucena”, hindi man pinalad si Rita na maging big winner sa naturang edisyon ay tumagal naman siya ng 52 days bago tuluyan na ma-evict.

Matapos ang kanyang PBB journey ay tila nagsunod-sunod na ang mga blessings sa buhay ni Rita at hindi na ito muling bumalik pa sa pamamalimos sa kalsada.
Payo ni Rita sa mga kapwa niya Badjao.
Viral naman sa social media ang isang video na kung saan binalikan ni Rita ang lugar kung saan siya lumaki, ayon sa kanya na hanggang sa ngayon ay dito parin nakatira ang kanyang mga ka-tribo.
Pagbabahagi ni Rita : “Kung makikita nyo, kahoy lang ang tungtungan ng bahay namin, pero d’yan sila nasanay. Dito sila sa tabing dagat, dito kami lumaki. Ako, dati namamalimos ako. Pero nangarap ako.”

Nagpapasalamat naman si Rita dahil sa mga opportunities na dumating sa kanyang buhay dahil unti-unting natutupad na ang kanyang mga pangarap.
Sana umano ay maging inspirasyon siya sa mga kabataan lalo na sa kanyang mga ka-tribo na magsumikap rin sa buhay.
Payo ni Rita : “Ini-encourage ko ang mga katulad ko [Badjao] na mag aral kayo magsikap kayo dahil hindi habang buhay na namamalimos tayo, [na] may maaawa satin, may magbibigay satin.”
Marami naman sa mga netizens ang natuwa at masaya dahil sa success na tinatamasa ngayon ni Rita kahit siya ay isang Badjao, ani pa nila na kung ang pangarap ay sasabayan mo ng sipag ay makakamit mo talaga ito.
Ani ng netizens : “Tama siya ang sipag at pag titiyaga ang magbubunga din balang araw.”
“Tama mag aral ng mabuti Yan Ang mag aahon sa kahirapan ng mga Kapatid mong badjao kapag naka pag aral kahit lang mapagtapos ng grade 12.”
“tama c rita inspire other na maging masikap at ng matupad ang mga pangarapnasubaybayan ko c rita simula noon up to now at saludo ako sa pagsisikap niya go go and gud luck.” dagdag pa ng isa.