Usap-usapan ngayon ng mga netizens sa social media ang tungkol sa break up nina Ricci Rivero at girlfriend nitong si Leren Mae Bautista.
Napansin kasi ng mga netizen na deleted na ang mga pictures nila together sa kani-kanilang mga Instagram accounts ngunit naka-follow pa naman sila sa isa’t-isa.
Hindi pa naman kinukumpirma ng dalawa ang kanilang hiwalayan pero malakas ang kutob ng kanilang mga fans na wala ng relasyon sina Ricci at Leren.
Hindi lingid sa marami na April 9, 2022 nag-viral sa social media ang video ng proposal ni Ricci kay Andrea pagkatapos ng kanyang laro sa UAAP basketball game habang nanonood ang aktres mula sa audience seat. Dito na niya naitanong sa aktres ang ‘Will you be my girlfriend?’.
Sa dalawang black t-shirt pipili ang aktres kung ‘yes’ or ‘no’. Agad naman na sumagot si Andrea ng ‘YES!’.

Kung ating babalikan, June 9 2023, kinumpirma ni Ricci sa Twitter ang hiwalayan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Andrea Brillantes na tumagal lang ng isang taon.
“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship.” bahagi ng pahayag ni Ricci.
Sa comment section ng post ni Ricci, dito na siya inakusahan ng mga netizen ng pagiging cheater at lumabas pa ang pangalan ng konsehala na umano’y pinalit ng basketball player kay Andrea.
Dito na pumasok ang pangalan ni Leren na inakusahan bilang third party ng mga fans ni Andrea kaya naghiwalay sila ni Ricci.
Dagdag pa ni Ricci : “I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations.”
Pagkatapos ng ilang buwan, kinumpirma na nina Ricci at Leren ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Caption ni Ricci : “With all the wrongs hounding me, I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve,”
“Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay,” dagdag ng basketball player.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas na kani-kanilang mga pahayag sina Ricci at Leren tungkol sa break up nilang dalawa.