Rica Peralejo to Lans Nagal : “lumabas pagiging bully at tsismosa”

May say ang aktres na si Rica Peralejo tungkol sa pambabatikos ng mga netizens kay Lans Nagal dahil sa pagsali nito sa PBB o Pinoy Big Brother.
Hindi lingid sa marami na si Lans ay isa sa naging official Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemate ngayong season.
Siya ay may PBB moniker na “Ang Vetmed Content Creator ng Cavite“.
Para kay Rica, naiintindihan niya ang naging desisyon ni Lans na sumali o pumasok sa PBB kahit marami at malaki na ang fan base nito sa labas bilang content creator.
Ani Rica : “Baka mas nag expect siya na pagsasali siya mas may malaking opportunity ang dadating, given na marami na siyang hatak na fans, baka feel niya mas dadami pa if sasali sa PBB.”
Dagdag pa niya : “kaso nga lang nasama siya sa circle na bully kaya lumabas pagiging bully at tsismosa nyang tinatago.”
Kung ating babalikan, ibinahagi ni Rica na dati na siyang nakatanggap ng imbitasyon mula sa programa para pumasok siya sa PBB bilang official housemate.
Malaki rin ang naging pasasalamat ng aktres na hindi niya itinuloy ang pagpasok sa bahay ni kuya.
Ani Rica :
Sa lahat ng dumadaan sa feed ko about PBB ngayon, naisip ko talaga na thank God na humindi ako before (as in way before, dalaga pa ako nito) when I was asked to be part of the house.
Siguro back then miski papano may onting wisdom ako na alam kong I would probably say or do things na macacancel ako.
At hindi naman sa itinatago ko sya pero bat ko naman ibrobroadcast din yung bad side ko. Tama ng sabihin ko nalang sa inyo.
