Menu
Relief goods ni Bong Go, inokray dahil sa karton?

Ano ang issue sa ipinamigay na relief goods ni Bong Go?
Usap-usapan sa social media ang tungkol sa relief goods ni Bong Go para sa mga nasunugan sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City.
Nag-viral kasi ang video mula sa naturang pa-ayuda at nagulantang ang nakatanggap kung bakit may karton sa ilalim ng balde para mag-mukhang puno, siksik at umaapaw ang pa-relief goods ni Go.
Agad naman na nilinaw ng mga opisyal ng Barangay Pinyahan in Quezon City na ito ay personal na nagmula sa bulsa ni Go at hindi galing sa pundo ng gobyerno.
Anila : “The help came from Senator Go’s personal means, a testament to his genuine concern for the barangay and its residents. We hope the public understands that it is not the obligation of a senator to provide relief packs, especially not to personally oversee how these are packaged.”
Dagdag pa nila : “We ask for understanding regarding the unjust judgments and malicious posts on social media that may have hurt him. These do not reflect the true spirit of unity that we value.”
Agad naman na nagbigay ng pahayag si Robin Padilla tungkol sa issue ng pa-ayuda ni Go, nilinaw rin nito na sariling pera ng senador ang kanyang ginastos para makapagpa-abot lang ng kanyang tulong.
Ani Robin : “Ang kinukutya po ninyo na pantawid ay galing po sa sarili niyang kakayahan hindi po galing sa gobyerno o programa ng gobyerno.”
Dagdag pa niya : “Nakalulungkot ang video na ito at nakapagbibigay ng palaisipan para sa mga nais tumulong.”



