Relasyon nina Mika at Will, kinumpirma ng source ni Ogie Diaz.

May relasyon talaga sina Mika Salamanca at Will Ashley?

Kinumpirma ng source ni Ogie Diaz ang tungkol sa tunay na relasyon ng mga kapuso stars na sina Mika Salamanca at Will Ashley.

Kahit may nakarating kay Ogie, tila maging ang talent manager ay hindi niya agad kinumpirma ang naturang balita.

Ani Ogie Diaz : “May nakarating lang naman sa akin. Hindi ko po kino-confirm ito, pero may naka-usap lang ako at biglang sinabi na ‘confirmed’ ‘yung Will Ashley at Mika Salamanca.”

Dagdag pa niya : “Sabi ko, ‘na ano?’ (sabi niya) ‘confirmed na may relasyon!’ sabi ko, ‘ano’ng damdamin kaya diyan ni Bianca [de Vera] kung totoo man?’ (sabi niya,) eh Mama Ogs, nagkaka-mabutihan naman sila ni Dustin.”

Kung ating babalikan, naging usap-usapan ang Hong Kong trip nina Mika at Will dahilan upang makatanggap ng mga batikos online ang dalawa.

Hindi lingid kasi sa marami na may kanya-kanyang ka love team ang dalawa, si Mika kay Brent Manalo habang si Will naman kay Bianca de Vera, mga kapwa batch mates nila sa PBB o Pinoy Big Brother.

Samantala, naging taliwas naman ang sinabi ng source ni Ogie dahil naglabas na ng statement ang manager ni Mika at nilinaw nito na ang Hong Kong trip ng dalawa ay quick trip lang at kasama nila ang kanilang mga close friends.

Ani ng manager ni Mika : “Yes, group sila na nag-HK for a quick trip, Since PBB Collab, Mika and Will have been good friends. Nothing romantic or anything. We are aware of this trip and we don’t see anything wrong with it.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing hindi nila mapipilit si Mika na magustuhan ang kanyang ka-love team [Brent] lalo na’t si Will raw talaga ang gusto nito.

Ani ng netizens : “Ok lang yan…di nman sya mababawasan kung iba na gsto ni mika.. Duo lng nman sila..isa pa rin ako sa mga fan mo.”

“Oky lng nmn Yan Kung sila … . Buhay nila Yan . Kung Di mag work out ung love. Team tnden . Pero d nmn lhat dhil love tea. Mging sila n…Wish them happines nlng.”

Dagdag pa ng isa : “Anung damdamin ni bianca? For sure wala nmn syang paki , gusto nyo kasi may paki sya.”