Courtesy : Robin Padilla

Rappler, nag-public apology kay Robin Padilla.

Naglabas ng kanilang public apology ang Rappler matapos nilang akusahan si Sen. Robin Padilla ng pag-dirty finger sa Senado.

Kung ating babalikan, biglang nag-live sa kanyang Facebook page si Senador Robin kahapon Sept. 11 matapos kumalat sa social media ang post ng Rappler tungkol sa diumano’y pag-dirty finger nito sa opening ng Senate Plenary Session noong Sept. 8.

Makikita sa video ang diumano’y pag dirty finger ng senador habang kumakanta ng Lupang Hinirang sa senado.

Makikitang may bakas ng lungkot sa mukha ni Sen. Robin habang naka-live ito at agad notong tinawag ang pansin ng Rappler dahil sa viral post ng naturang news organization sa social media tungkol sa kanya.

Sa post ng Rappler may caption : “Senator Padilla’s dirty finger,

“During the opening of the Senate plenary session on September 8, 2025, Senator Robin Padilla flashed his middle finger — a vulgar gesture — while making it appear he is just placing his right hand to his left chest while singing the Philippine national anthem.

“It was during the plenary session when Senator Chiz Escudero whom Padilla and other Duterte allies supported, was ousted as Senate president.” dagdag ng Rappler.

Courtesy : Rappler social media post
Courtesy : Rappler social media post

Ayon kay Robin, pagdating umano niya sa kanilang bahay mula sa senado ay napansin niya na malungkot ang kanyang misis na si Mariel Padilla dahil sa nabasa nito online.

Ani Robin : “Nagulat po ako.. pagdating ko sa bahay ang aking maybahay ay may kalungkutan.. siya po ay nababahala sa pagkat naglabas po ng isang news ang Rappler,

“Ito pong Rappler ay sa matagal na panahon ay naging kaibigan ko po ang mga ito eh, hindi ko pa malaman kung bakit sila gumagawa ng ganitong [mga] article, sabi po dito eh.. ‘Senator Padilla’s dirty finger.'” pahayag ni Robin.

Sa paglilinaw ng senador, hindi siya naka-dirty finger sa panahong ‘yon, hindi lang maayos ang anggulo sa pagkuha ng larawan na ito ni Sen. Robin kaya nagmumukhang naka dirty finger ang senador, hindi umano ‘middle finger’ ang nakausli sa kanyang kamay kundi ang kanyang ‘index finger’ o hintuturo.

Courtesy : Robin Padilla
Courtesy : Robin Padilla

Tinatawag ni Sen. Robin ang pag-usli ng kanyang index finger habang kumakanta ng Pambansang Awit na ‘la ilaha illa Allah’, na ang ibig sabihin umano ay ‘Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah’.

Dahil sa pag-callout ni Robin sa Rappler, agad silang naglabas ng kanilang ‘public apology’ dahil sa kanilang social media post tungkol sa senador, humingi rin sila ng paumanhin kay Robin at sa mga kapatid nating muslim.

Ani ng Rappler : “Rappler deeply apologizes to Senator Robin Padilla and to the Muslim community for posting a video which carried a caption alleging a vulgar hand gesture.

“We take responsibility for unclear communication in the newsroom that led to the posting of content that was still being verified. The video was immediately taken down.

“We would like to assure our Muslim brothers and sisters that there was no intention to put any sector or faith group in a bad light, and that we are strengthening our internal processes to avoid mistakes like this in the future.” dagdag ng Rappler.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, hindi pa naglalabas ng kanyang sagot si Sen. Robin tungkol sa public apology ng Rappler.