Nadamay si Sen. Raffy Tulfo dahil sa Vivamax star na si Chelsea Ylore.
Kumalat at usap-usapan ngayon online na si Raffy Tulfo diumano ang senador na laman sa blind item ng Vivamax star na si Chelsea Ylore.
Kung ating babalikan, viral sa social media ang interview ni Chelsea Ylore sa podcast ni Tiyo Bri matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa mga indecent proposal na natatanggap ng vivamax star.
Dito na ibinahagi ni Chelsea na may kilalang politiko o senador ang masyadong generous sa kanya pagdating sa tip, nagsisimula raw ang pangalan sa ‘R’ at may letter ‘F’ raw sa apelyido.
Ani Chelsea : “Ay si senator, tip palang paldo na. Abot ng P250k-P300k [wala pang nangyayari].”
Dahil sa mga clues na ibinigay ng vivamax star, hula ng mga netizens na si Sen. Raffy Tulfo ang tinutukoy na senador ni Chelsea.
Ani ng netizens : “Andaming natutulungan nyan, pati pala mga nasa vmax.”
“Hala raffy tulfo kaloka kala ko mabait sa aswa un hahahaha.”
Dagdag pa ng isa : “Raffy tulfo yan, pangalawa sa huling letra ng apelyido F.”
Dahil sa pagkaka-kaladkad sa pangalan ni Sen. Raffy, pumalag ang kanyang kapatid na si Mon Tulfo.
Ani Mon : “Natatawa ako sa balitang kumakalat… na isang senador ay nag-offer ng indecent proposal sa isang artista (kuno) ng 250K para bembangin ito. May mga haka-haka na ang kapatid kong si Raffy ang tinutukoy.”
“Pero pagpalagay na natin na totoo: Eh, ano ngayon kung nambabae siya? Ang nakakahiya ay kung nanlalake ang kapatid ko gaya ng isang lalakeng mambabatas na mahilig sa basketbolista.” bahagi ng pahayag ni Mon Tulfo.
Dagdag pa nito : “Kung totoo man ang balita— granting but not admitting, ang sabi pa ng mga abogado— eh, ano ngayon? Kilalang galante (generous) si Raffy. Nakakapamigay siya ng daan-daang libo sa kanyang programang Raffy Tulfo In Action sa TV at radyo. Sa kanyang bulsa nanggagaling ang pera pinamimigay niya.”



