Courtesy : Jinggoy Estrada

Puwit ni Jinggoy na dumugo muling pinag-usapan online.

Muling pinag-usapan ng mga netizens sa social media ang tungkol sa dumugo na pwet o puwit ni Sen. Jinggoy Estrada.

Kung ating babalikan, dinamay ni Bulacan 1st district Assistant Engr. Brice Hernandez ang pangalan ni Sen. Estrada sa issue ng flood control projects, ibinahagi niya sa senado na tumanggap umano ng malaking pera ang senador mula sa pondo ng mga proyekto.

Kaya naman umani ng samu’t-saring komento at pambabatikos si Jinggoy mula sa mga netizen dahil sa pagka-link niya sa mga anomalya ng flood control projects na mainit paring pinag-uusapan hanggang sa ngayon.

Dito na naglabas ng kanyang galit at inis ang dating matinee idol at aktor na si Robby Tarroza, hinamon pa nito na mag-resign na si Sen. Estrada dahil kung hindi ay ilalabas nito ang tunay na baho at ang pagiging ‘double life’ ng senador.

Courtesy : Robby Tarroza post
Courtesy : Robby Tarroza post

Sa mga sumunod pang social media posts ni Tarroza, dito na niya tinawag na ‘bakla’ at ‘sinungaling’ si Jinggoy. Ibinahagi rin nito na nakatanggap na siya ng maraming death threats dahil sa pag-iingay at pagtira niya sa senador online.

Aniya : “Eto na po mga death threats na! I do not care! I will continue to speak the TRUTH! BAKLA AT SINUNGALING KA!”

“Hoy Pilipinas, Di pa ako tapos! Madami pa natitirang Bakla dyan sa Gobyerno! Keep me alive and I will reveal! Dami na kase Death Threats!” dagdag pa ni Tarroza.

Sa latest post ni Tarroza, dito na niya ibinahagi ang old post ng Philippine Star tungkol sa pagdurugo ng pwet ni Sen. Jinggoy, ang artikulong ito ay ibinahagi pa noong August 1, 2002.

Courtesy : Robby Tarroza post
Courtesy : Robby Tarroza post

Caption sa post : “Puwit ni Jinggoy dumugo uli, ibalik sa Makati Med hirit.”

Ngunit kung ating babasahin ang naturang artikulo, ang tanging rason lang kung bakit dumugo ang pwet ni Sen. Jinggoy ay dahil lamang pala sa sakit nitong almuranas o hemorrhoids.

So what’s the point kung bakit pa ibinahagi ni Tarroza ang lumang artikulong ito sa social media na ilang dekada na pala ang nakalipas? may nais ba itong ipahiwatig?

Sa ngayon, habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Sen. Estrada tungkol sa mga banat sa kanya ni Robby Tarroza sa social media.