Si Pokwang pala ang host na aalis sa TiktoClock na nasa-blind item lately.
Kinumpirma ni Pokwang na tuluyan na siyang lumayas sa GMA variety show na TiktoClock matapos lumutang ang blind items tungkol sa kanya.
Lumabas kasi ang mga chika tungkol sa isang host ng isang variety show na aalis dahil hindi napagbigyan ng talent fee increase.
Caption pa ng PEP.PH blind item : “Comedienne, papalitan ng dramatic actress sa isang daily show.”
Hula naman ng mga netizens, si Pokwang raw ang tinutukoy ng blind item at papalitan raw siya ni Camille Prats.
Dito na kinumpirma ni Pokwang ang kanyang paglisan sa naging panayam niya kasama ang talent manager na si Ogie Diaz noong November 14.
Ayon kay Pokwang, totoo ang nasa blind item at masyadong obvious raw na siya ang tinutukoy nito.
Wika ni Pokwang : “Diyos ko! given na given na naman ‘yung mga clue. Ako talaga ‘yun. Totoo, totoo ‘yung nasa blind item.”
Nilinaw rin ng komedyante na hindi siya tinanggal sa daily show dahil siya mismo ang hindi nag-renew ng kanyang kontrata.
Paglilinaw ni Pokwang : “Every 3 months kasi ‘yung renewal ng kontrata namin. So dapat October to December dapat magre-renew. So, hindi na ako nag-renew. Pero hindi ako tinanggal.”
Chika pa ni Pokwang na totoo rin ang pag-request niya ng TF o talent fee increase dahil hindi lingid sa marami na tumataas na ngayon ang presyo ng mga bilihin.
Say ni Pokwang : “Totoo naman ‘yun. Nanghihingi tayo ng kaunting karagdagan. Siyempre, alam mo naman, tumataas na rin ang mga bilihin. And dinadagdagan ko naman din ang mga sweldo ng mga nagtatrabaho sa akin.”
Masaya at nagpapasalamat naman ang komedyante na naging bahagi siya ng TiktoClock sa loob ng 4 years.
Dagdag ni Pokwang : “Hindi naman sa ungrateful [ako], siguro para makahanap din ako ng ibang hanapbuhay na mapagkakasya ko sa pamilya ko.”
Sa kasalukuyan ay nananatiling kapuso ni Pokwang dahil sa kontrata nito na may validity hanggang year 2027.


