PPOP group PLAY PH goes viral after performing “Crush Kita” on PTV

Viral sa social media ang bagong PPOP group na PLAY PH matapos ang kanilang live performance sa Rise and Shine Pilipinas ng PTV.
PLAY PH members face criticism over vocal performance
Napansin kasi ng mga netizens na may mga notes na hindi kinaya ng naturang grupo pero sa huli ay maayos naman nilang naitaguyod ang performance ng kanilang original song na “Crush Kita”.
Ang PLAY PH ay binubuo ng six members at ito ay sina Rojan Franco, Kenjie Bedeo, Travis Landicho, Gab Alegria, Riel Franco at Marcus Lei.
Maraming netizens naman ang nagbahagi ng kanilang reaksyon tungkol sa naging performance na ito ng Play PH sa national television.
Ani ng netizens :
kaya pa ba ??????? any any na lang ppop ngaun tsk.
Bat pinasabak agad tong mga to? Masagwa na tuloy first impression ng publiko sa ka nila. Di man lang pinolish muna yung vocals at sayaw bago isapubliko. Katatawanan tuloy.
Play PH pala name nila. Parang durex lang. hahaha mukhang di na kaya hahahaha.
Group says three members were sick during the performance
Nilinaw naman ng Official Facebook page ng PLAY PH na walang perpekto sa lahat ng bagay at mahirap kumanta sa isang morning show na sobrang aga.
Sobrang nakaka-proud rin raw ang naturang grupo dahil kahit may sakit ang tatlong members ay napatuloy parin nila ang kanilang performance.
Ani ng Play PH page :
Maraming salamat sa tiwala at suporta. Ang pagkaka mali sa isang performance ay di nangangahulugang sa lahat ng inyong performance lagi kayong mali Kahit may sakit ang 3 sa inyo ginawa nyo ang best nyo proud of you boys.
Dagdag pa nila :
Laging tatandaan walang perpekto sa lahat ng bagay atleast nagawa nyo mag LIVE ng sobrang aga na ang hirap kumanta..
