Pinsan ni Jerome Ponce at Leonette Espina, pumalag kay Gaza.

Pumalag ang pinsan nina Jerome Ponce at Leonette Espina kaugnay sa blind item ni Xian Gaza na kumalat sa Reddit.

Usap-usapan ngayon sa Reddit ang blind item ni Xian Gaza na nagtuturo sa aktor na si Jerome Ponce at kay Leonette Espina.

Kung ating babalikan, naglabas ng isang malupit na blind item si Xian Gaza sa social media tungkol sa sikat na artista na pumatol diumano sa sarili niyang tita.

Ani Gaza : “BREAKING NEWS: Isang sikat na lalaking artista, kinakant.. ang pinsang buo ng kanyang ama! Ka-live in niya ang sarili niyang tiyahin! OMG! This is kompirmd 100%! Buong angkan nila ay galit na galit sa kanilang dalawa!”

Agad na kumalat ang mga chika sa Reddit, ang tinutukoy diumano ni Xian sa kanyang blind item ay ang aktor na si Jerome Ponce.

Komento pa ni Xian : “depressed na depressed na mga magulang niyo sa kababuyan niyo wala kayong awa baka yan pa ang ikamatay nila na pagsisisihan niyo habambuhay.”

Dagdag pa niya : “Nagpapatira ka sa sarili mong pamangkin sa mismong condo na pagmamay-ari ng iyong ama?? Ano ka, member ng British Royal Family?? Mygaaahd! How there you??”

Matapos ang mga pasaring ni Gaza online, natukoy ng mga netizens kung sino ang nasa likod ng larawan na tinakpan ni Xian at ito ay ang aktor na si Jerome Ponce.

Agad naman na pumalag ang pinsan ni Jerome na si Jaidee Espina de Jesus, pinabulaanan niya ang mga paratang na ito ng pambansang marites.

Ani Jaidee : “Hi pinsan ko po c jerome and wla pong katotohanan yan c szasna po bff ni gaza. And ung pic po is c jerome at leonette ksma kapatid ni leonet sa gitna. . Mejo maselan po kc ang bintang.”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na kung true man o hindi ang pinapa-kalat ni Xian sa social media ay hindi na dapat ito pinagla-laanan ng oras dahil ang mga ganitong issue ay private matters na.

Ani ng netizen : “Can’t believe people still give a shit about gaza. Pero since marites ang karamihan, kakagatin pa rin since bihira naman makuryente yung tsismis ni Gaza.”

Dagdag pa ng isa : “Parang wapakels naman kami. Family problem nila yan, nagulat pa ako sa words na ginamit.. no filter!!!”