Pinky Amador, ‘fake news’ raw ang negosyo ni Anthony Taberna.

Pinky Amador and Anthony Taberna issue
Pinky Amador and Anthony Taberna

Tinawag na ‘fake news’ ng aktres na si Pinky Amador 59, ang negosyo ni Anthony Taberna na Ka Tunying’s sa pamamagitan ng isang reel.

Mapapanood sa naturang video ang paglapit ni Pinky sa isang stall ng Ka Tunying’s habang naka-focus ang camera sa logo ng negosyo na ito ni Anthony Taberna.

Hirit pa ni Pinky : “Bibili sana ako ng fake news [tinuro ang logo ng negosyo ni Taberna]”

Courtesy : Pinky Amador Ka Tunying's video
Courtesy : Pinky Amador Ka Tunying’s video

Tila ang pasaring na ito ni Pinky ay hindi rekta sa negosyo na ‘Ka Tunying’s’ kundi sa may-ari nito na si Anthony Taberna.

Kung ating babalikan tila naging laman ng mga balita si Anthony Taberna matapos nitong puntiryahin si Sen. Risa Hontiveros at pinagpilitan nitong mayroong insertion ang senador sa national budget batay sa 2025 GAA o General Appropriations Act.

Ani Anthony : “Sabi ni Ping, HALOS LAHAT ng senador, may insertions, Sabi ni JV, LAHAT ng senador may insertions. Sabi ni Risa, WALA akong insertion!”

Courtesy : Anthony Taberna social media post about Risa Hontiveros
Courtesy : Anthony Taberna social media post about Risa Hontiveros

Agad naman na itinganggi ni Sen. Risa ang mga alegasyon na ito ni Taberna at agad na naglabas ng kanyang pahayag noong Oct. 3.

Ani Sen. Risa : “Wala po akong bicam insertions. Wala sa unprogrammed funds. PERIOD. Isa pa, HINDI AKO PUMIRMA sa bicam at bumoto rin ng NO sa kontrobersyal na 2025 budget,”

Nanawagan naman si Sen. Risa sa social media na wag agad maniwala sa mga pasaring na ito ni Taberna dahil ito ay malinaw na fake news.

Kaya bilang taga-suporta sa mga adhikain ni Sen. Risa, dito na naglabas ng kanyang banat at pasaring ang aktres na si Pinky Amador sa pamamagitan ng isang reel video.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa patama na ito ni Pinky kay Taberna, ang video na ito ay naka-published na rin sa Reddit at mayroon na itong libo-libong views.

Mababasa rin natin sa komento ng mga netizens [published as is] ang tungkol sa negative feedbacks nila sa negosyo ni Anthony na Ka Tunying’s.

Ani ng netizen : “I know him personally. Yuck ka talaga Tunying kaya kahit sa Nueva Ecija nagsara business mo kumag ka!”

“A few months ago,I bought some ube and regular ensaymada from their stall in NAIA Terminal 1 out of curiosity. The ensaymadas are good, to be fair. Was tempted to buy some more but stopped myself because I don’t want to support a business that will have a contribution (through their offerings) to the Manalos who are living luxuriously while many of their members work hard to make a living.”

“saw one of his kiosks at Clark Airport. Almost bought something then I realized it is owned by Tunying himself, so I walked away. I’m sure one missed sale from me wouldn’t matter, but it sure feels good to spend my money elsewhere.”

“Nakabili ako dyan once sa T3, di nako umulit di naman kasarapan tas bobo pa mayari” dagdag pa ng isa.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng kanyang pahayag si Anthony Taberna tungkol sa banat sa kanya ng aktres na si Pinky Amador.