Menu
Parents ni Lie Reposposa, ungrateful raw?

May himutok si Lie Reposposa laban sa kanyang mga parents.
Hindi na nakapag-pigil pa si Lie Reposposa at inamin na sobrang pagod na raw siyang mag-padala ng tulong sa kanyang mga parents.
Hindi lingid sa marami na si Angelie ‘Lie’ Reposposa ay sumikat matapos itong sumali sa Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime.
Ang It’s Showtime rin ang nag-mistulang pinto upang maka-pasok at mapabilang siya sa mga official housemates ng Pinoy Big Brother : Otso taong 2018 at 2019.
Kahapon March 10, nag-labas ng kanyang sama ng loob ang singer sa social media at binigyang diin niya ang pagiging breadwinner ng kanilang pamilya.
Ani Lie : “Gusto kong umahon sa buhay pero parang ako lang ang lumalaban. Breadwinner daw, pero kailan ba naging winner ang breadwinner? Parang lagi na lang talunan. Pagod na pagod na akong tumulong sa mga taong hindi man lang marunong mag-appreciate, pero ang hirap kapag pamilya mo.”
Dagdag pa ng singer : “hirap tulungan ng ungrateful parents. wala eh napuno na ako diko na din sila kaya.”
Marami naman sa mga netizens ang nagpa-abot ng kanilang suporta sa dalaga.
Ani ng netizens : “Inhale, exhale, pray for your emotions and pray for them. Kung nagawa mo na lahat, leave their toxic behaviour. Set limits. Monthly or on schedule ganito lang. Prangkahin mo. Hiram is hiram, bigay is bigay. They need to learn that earning isnt easy. It needs hardwork.”
Dagdag pa ng isa : “I promised myself that my children will never have to go through this. They will never be forced to become breadwinners or handle situations that should never be their burden.”



