Pambansang Kolokoy, may sakit na cancer.

May matinding pagsubok sa kanyang kalusugan si Joel Mondina o mas kilalang Pambansang Kolokoy.

Ibinahagi ni Pambansang Kolokoy sa kanyang social media na kasalukuyan siyang nasa ospital para agad na magamot ang kanyang sakit na cancer.

Caption ni Joel : “Here we go! Second cycle of chemotherapy #fckcancer”

Hindi na nagbigay pa ng maraming detalye si Pambansang Kolokoy kung anong klase ng cancer ang kanyang kinakaharap ngayon, marami naman sa mga netizens ang biglang nagulat dahil sa bagong update na ito tungkol kay Joel.

Ani ng netizens : “Praying for your fast recovery pk god is good all the time po always pray, godbless you abundantly.”

“In jesus name you will be healed. Alam ko mahirap may nararamdaman hindi physical lang kalaban mahirap mental din. But maniwala ka hanapin mo ang jesus sa sarili mo lahat ng kahilingan mo matutupad.”

Dagdag pa ng isa : “Lahat ng tao magkakasakit d pa lang natin alam kung kailan natin mararamdaman d nman tayo bato para d maagnas at maging lupa,wait lang baka yong nagsasalita eh mauna pa kay balong joel,kayam datta balong,isu met gayam nga d ka makitkita nga aggay-ayam.”

Si Joel Mondina o mas kilalang Pambansang Kolokoy ay sumikat sa mundo ng social media bilang content creator at komedyante.

Ipinanganak siya sa La Union at naninirahan sa United States simula noong 1994, mas sumikat siya dahil sa kanyang mga ‘comedy skits’ at ‘Dad Jokes’ sa Youtube at nagsimula na rin siyang magbahagi ng kanyang mga contents sa Facebook.

Taong 2022, umingay ang social media matapos kinumpirma ni Pambansang Kolokoy ang hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Marites Mondina, taong 2023 naman ay agad niyang ipinakilala ang bagong nagpapatibok sa kanyang puso na si Gladys Guevarra.