Pagbabayis ni Kobe Paras sa video, fake?

Usap-usapan si Kobe Paras matapos kumalat ang isang private video online.

Nilinaw nina Andre at Benjie Paras na hindi si Kobe ang nasa private video na pinagpi-pyistahan ngayon sa social media.

Kung matatandaan, matapos kumalat ang mga private videos nina Aaron Villaflor, Ron Angeles, Nikko Natividad at Gil Cuerva ay agad na sumunod ang basketball player na si Kobe Paras.

Noong March 7, pumutok ang chismis na meron rin raw scandal si Kobe, dito na na-curious ang mga netizens at gumagastos pa talaga sila para makita lang ang naturang video.

Hindi lingid sa marami na talamak ngayon ang pagbe-benta ng mga private videos sa Telegram lalo na kung ang naturang mga files ay mula sa mga sikat na personalidad.

Agad na nakarating kay Andre Paras ang clip na pinagki-kitaan online na tumutukoy raw sa kanyang kapatid, agad naman nitong kinumpirma na hindi si Kobe ang nasa bidyo dahil mag-kaiba raw ang tattoo nito sa braso.

Sa kasalukuyan, patuloy parin na kumakalat ang diumano’y bidyo ni Kobe at binibenta sa halagang P500 sa Telegram.