Ang bongga ni Manny Pacquiao dahil may sarili na itong e-wallet at ito ang Manny Pay.
Ang Manny Pay App na ito ni Pacquiao ay BSP approved na at available to download sa kahit na anong devices.
Ang Payment application na ito ni Manny ay regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi lang mga consumers ang target market ng app na ito ni Boxing Champ.
Dahil maging ang mga malalaking corporations na may B2B services o business-to-business transactions para sa mass payout at online collections ay target market rin ng Manny App.
Ayon pa sa website ng Manny Pay : “Provide easy and secure payments for your business start accepting payments via e-wallets, credit card, online banking or over-the-counter payment centers making it convenient and secure for customer to transact with you.”
Paano nagsimula ang Manny Pay?
Ayon kay former Senator Manny Pacquiao, nagsimula ang kanilang idea na gumawa ng sariling e-wallet app matapos ang isang family dinner.
Pagbabahagi ni Manny : “It [all] started when we ate at a restaurant and someone asked, ‘Who’s gonna pay?’ Then they said, Manny Pay.”
Ang e-wallet payment platform na ito ay nasa ilalim ng 7th Pillar Integration Systems Corp., ayon sa president/CEO ng 7th Pillar na si Marc Bundalian, sinisigurado nila na ‘secured’ at ‘safe’ gamitin ang bagong app nila.
Say ni Bundalian : “Our business is an IT company, and all our developers are local Filipinos. Tatak Filipino talaga ito,
“We don’t want to rush it. We want to make sure our users’ data and transactions are safe. Hopefully, we won’t have the same scamming issues that have affected other e-wallets.” dagdag pa nito.
Sa pamamagitan ng Manny Pay, maari mong bayaran ang iyong utility bills, credit card dues etc. May features rin ito ng fund transfer to any local available banks at e-wallets nationwide.
Hindi lang PH money ang suportado ng app na ito dahil maging Crypto International Payments ay pweding-pwedi na rin.
Ani ng CEO ng 7th Pillar Integration Systems Corp., mas mura sa Manny Pay ang fees kaysa sa ibang e-wallets na available sa ating bansa.
Wika nito : “The highlight for us is lower fees. We promise lower convenience charges – about P2 less per transaction compared with others.”
Ibig sabihin, kung 15 pesos ang fee o charges sa ibang e-wallet, sa Manny Pay ay 13 pesos lang! malaking tipid diba?

