Ogie Diaz, sinupalpal si Fhukerat.

Hindi pinalampas ni Ogie Diaz ang Dubai issue ni Fhukerat.

Naglabas ng pahayag ang talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa issue ni Fhukerat matapos itong ma-offload ng Dubai immigration.

Kung ating babalikan, gumawa ng ingay sa mundo ng social media ang issue ng content creator na si Fhukerat dahil hindi ito pinayagan na makapasok sa bansang Dubai.

Paglilinaw ni Fhukerat : “Kapag tiningnan ako, mukha akong babae, pero sa passport ko ay male. ‘Yun ang basehan ng ‘identity mismatch.’”

Dito na naglabas ng kanyang sunod-sunod na IG stories si Ogie tungkol sa naging pahayag na ito ng content creator.

Ogie Diaz slaps Fhukerat amids Dubai issue
Ogie Diaz’s social media post about Fhukerat

Lumabas rin ang katotohanan na hindi lang ‘identity mismatch’ ang issue ni Fhukerat sa Dubai, maraming grounds o violations raw na ginawa ang content creator kahit kakalapag palang nito sa Airport.

Nakunan pala ng CCTV ang pagiging maingay si Fhukerat sa loob hanggang sa paglabas ng eroplano, gayundin sa loob ng mismong Dubai airport at nagawa pa nitong mag-cr sa girls comfort room na matinding ipinagbabawal sa Dubai.

Dito na na-hold ang content creator ng Dubai immigration officers matapos harangin si Fhukerat habang nasa pila.

Say raw ng Dubai immigration : “this is not about the dress — this is about national security.”

Sagot ni Fhukerat : “I am celebrity! I’m famous!”.

Dito na mas lalong pumalag si Ogie Diaz at sinabing lahat raw ng pagkakamali at kagagahan ni Fhukerat ay hindi na sana ipinapakita sa social media.

Ani Ogie : “I am celebrity! I’m famous! Eto ang mga linyang magpapabagsak sa isang tao. Higit sa lahat, mga linyang di ka makakapasok sa gusto mong puntahan. Di lahat ng ingay, ng kuda, ng rason-valid. Lalo na at (da)dayo ka lang.”

Dagdag pa niya : “Di lahat ng pangyayari sa buhay mo, lalo na at kahihiyan mo, pagkakamali mo, kagagahan mo, eh iko-content mo. Lalo na at hindi naman tinatanong. Eh sa yo pa nanggaling mismo, so excited kang ibalita sa kanila tapos pag na-bash, mag-e-emote. Sino ang may kasalanan? Kakampink na naman?”