Ogie Diaz, nag-sorry kay Fyang Smith.

Ogie Diaz and Fyang Smith interview
Ogie Diaz and Fyang Smith

Sa wakas ay nag-usap na sina Ogie Diaz at Fyang Smith.

Viral at usap-usapan sa social media ang naging interview ni PBB GEN11 Big Winner Fyang Smith sa Youtube channel ni Ogie Diaz.

Sa naturang panayam, humingi ng tawad ang talent manager na si Ogie kay Fyang matapos niya itong tirahin at batikusin online dahil sa mga past issues ng dalaga.

Panimula ni Ogie : “Nasaan na nga ba si Fyang? hinahanap niyo ba siya? andito siya kasama ko.. iniisip nila na oh! bakit ininterview ni Ogie ‘yan? diba galit siya jan? diba? tinitira niya ‘yan? bakit kaharap niya ngayon ‘yan?

“Ngayon ang tanong ko sayo galit ka ba sa’kin?” tanong ni Ogie kay Fyang.

Sagot ni Fyang : “No…no.no.no. no po Tito Ogs.”

Ipinaliwanag rin ni Fyang kay Ogie Diaz na hindi sya galit o kahit kailan ay hindi siya nagalit sa talent manager dahil baka raw yung mga solid fans lang nya diumano ang nati-triggered sa mga banat ng host. Inamin rin ni Ogie na kahit siya ay walang galit sa dalaga.

Aminado naman si Ogie Diaz na minsan ay nami-misinterpret niya si Fyang dahil naka-base lamang siya sa mga videos na napapanood niya online.

Inamin rin ni Fyang na palagi siyang pinapagalitan ng Management dahil sa mga issues niya na kumakalat at napapansin ng netizens online.

Say ni Fyang : “Lagi po akong pinapagalitan ni Direk Lauren, everyday kapag may issue [ako] lagi akong nasa 12th floor. Everytime na pinapatawag po ako naa-adapt ko po ‘yung mga sinasabi nya, pumapasok naman po sya sa utak ko,”

Sa usapan naman tungkol sa character development, aminado si Fyang na kahit papaano ay nagkaroon at meron ng mga pagbabago sa kanyang sarili.

Dito na humingi ng sorry si Ogie Diaz kay Fyang Smith dahil tila mas nakikilala na niya ngayon ang dalaga.

Ani Ogie Diaz : “Gusto kong humingi ng sorry sayo [Fyang] dahil na misunderstood kita and infairness wala rin akong narinig [mula] kay Fyang na tinitira nya ako..”

Sagot ni Fyang : “Walang ganun Tito Ogs..”

Tila inulan naman ng magagandang komento mula sa mga netizens ang naging panayam na ito ng dalaga kay Ogie Diaz dahil tila ibang Fyang na ang kanilang napanood.

Anila : “Fyang’s grace in her Ogie Diaz interview was inspiring. True strength is in quiet humility, not loud shouting. Choosing peace is brave. Fyang inspires us to face challenges with grace.”

“Still the same Fyang but now she is better, wiser, and stronger than ever.”

“I’ll never stop repeating this, I stand with Fyang not out of blind loyalty, but because I see a woman who’s learning and not afraid of taking responsibility even when she’s misunderstood. Who would have thought THE Ogie Diaz would end up apologizing to Fyang, admitting he fell for a spliced clip? That’s how truth quietly wins.”

“Fyang’s interview is the most selfless propaganda I ever watched. Admitting her mistakes. and baring herself out to the public to say sorry. I love you Fyangi. I am so happy that I was able to hear directly from you that the direction of your character development & growth is not at the expense of losing your self on the process.”

“She stood firm in staying true to herself and wished to be loved for who she truly is at the end of the day. I am so glad that you are happy about the changes you have made. Bravo.. Fyangi you are truly an inspiration.”

“Grabe ang tapang ni Fyang to face an interview with someone who contributed to all the hate and bashing she went through. Pero she handled it with grace, walang sama ng loob, and still showed maturity and professionalism.” dagdag pa ng isa.