Courtesy : Julia Barretto and Lucas Lorenzo

New BF ni Julia Barretto may hawig kay Gerald, isang bilyonaryo?

How true kaya ang chismis na may new boyfriend na diumano ang aktres na si Julia Barretto at ito ang businessman na si Lucas Lorenzo.

Usap-usapan kasi ngayon sa social media ang pagkaka-mabutihan umano nina Julia at Lucas matapos mabalitang hiwalay na sila ng aktor na si Gerald Anderson.

Hindi lingid sa marami na ilang beses nang kumalat online ang tungkol sa break up nina Julia at Gerald.

Kaya marami talaga sa mga netizen ang napatanong kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Hindi pa naman kinukumpirma ng dalawa ang kanilang break up, pero ayon sa talent manager na si Ogie Diaz, nasa ilalim ng ‘cool off’ stage sina Julia at Gerald.

Ani Ogie : Hindi sa wala na [talaga] sila, ang sinabi sa akin [ng aking source] ay ayaw na ni Julia. Kung baga ayaw na ni Julia sa relasyon [nila] pero kay Gerald meron pa, si Julia [lang] ayaw na [talaga],

“Yun lang ang nakarating sa atin na hindi ko alam kung saan nanggagaling itong pag-ayaw ni Julia kay Gerald, kaya kung mapapansin ko raw sabi ng aking source, ‘tingnan mo hindi na sila nagkikita.’” dagdag ni Ogie.

Maraming haka-haka ang mga netizen kung bakit biglang umayaw na si Julia kay Gerald, ano raw ang dahilan? may lumalabas pa na mga chika na third-party diumano ang natatanging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Ayon naman sa Pilipino Star Ngayon writer na si Salve Asis, nakarating raw sa kanya mula sa isang ‘super reliable source’ ang chika na hinding-hindi na umano magkaka-ayos sina Julia at Gerald.

Ani Salve : “Ayon. [galing] sa super reliable source, exclusively dating na diumano si Julia sa isang miyembro ng old rich family at naging ex ng isang local pretty politician at nilandi rin ng isang beauty queen / actress,

“Magka-iba sila ng social status ni Gerald [Anderson],” dagdag ni Salve.

Dito na lumabas ang pangalan ni Lucas Lorenzo na isang negosyante at bilyonaryo.

Siya ang CEO ng RCGI o Restaurant Concepts Group, Inc. na kapatid ni Basti Lorenzo (asawa ni Claudia Barretto). Kapatid rin nina Lucas at Basti ang asawa ng aktres na si Erich Gonzales na si Matteo Lorenzo.

Courtesy : Julia Barretto and Lucas Lorenzo
Courtesy : Julia Barretto and Lucas Lorenzo

Kaya tila nakilala nga ni Julia si Lucas sa pamamagitan ng kanyang kapatid na si Claudia.

Marami naman sa mga netizen ang nakapansin na medyo may hawig si Lucas sa ex-bf ni Julia na si Gerald Anderson.

Ani ng netizen : “kamukha ni gerald lol cant unseee”

Dagdag pa ng isa : “Same!!!! Akala ko din si Gerald nung una jusqqq.. sabi ko nalang sa isip-isip ko ‘oh! she has a type'”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi parin naglalabas ng kanilang pahayag sina Julia at Gerald tungkol sa kanilang break up.