Naglabas ng kanyang pahayag si Nathalie Julia Geralde ang raliyistang inokray ng netizens dahil sa kanyang maitim na kilikili.
Hindi lingid sa marami na nakunan ang viral photo ni Nathalie sa isinagawang Rally noong Sep. 21 sa Luneta, maraming celebrities rin gaya ng komedyanteng si Vice Ganda ang nakiisa sa pagtitipon.
Ang Luneta Rally na ito at tinawag nilang a “Trillion Peso March”, paraan ng mga Pilipino upang manawagan sa pangulo na dapat ay panagutin na ang mga taong nasa likod ng korapsyon sa ating pamahalaan.
Samantala, dahil sa mga batikos na natatanggap ni Nathalie sa social media tungkol sa kanyang dark underarms. Agad siyang naglabas ng kanyang pahayag na ang problema niya sa kanyang kilikili ay katiting lamang kaysa sa problema ng ating bansa.
Aniya : “Sa lipunang kinakahon ang kababaihan sa unrealistic beauty standards, wag na wag mong ibaba ang iyong kamao! Hindi nakakahiya ang katawan na nakikibaka para sa patas at anti-korap na kinabukasan.
“Ang buhok at diskolarasyon sa kili-kili ay katiting lamang kung ikukumpara sa suliranin na kinakaharap natin.
“Dumalo ba sa aking isipan na mapupuna ang aking kili-kili? Hindi! Ito lamang ay bunga ng misogynistic at patriarchal na lipunan na linilihis ang ating pokus sa tunay na isyu. Ang kagandahan ng babae ay hindi nagtatapos sa pisikal na anyo at lalong hindi nasusukat sa iisang panukat lamang.
“Kayang-kaya ng babae na lumikha, mag-isip, magquestion, magalit at higit sa lahat, ipanagot ang nagnanakaw sa kaban ng bayan!” bahagi ng pahayag ni Nathalie.
Nagpasalamat rin ito sa mga taong nagtatanggol sa kanya online, binigyang diin rin nito na hindi ang mga natural na buhok at discoloration ng kilikili ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga tao kundi ang mga buwaya na nasa gobyerno.
Aniya : “Maraming salamat sa lahat ng nagtanggol at nag-iwan ng papuri nitong nakalipas na mga araw. Napakahalaga ang mga katulad ninyo na tumitindig laban sa mali. Tama kayo.
“Hindi dapat ang bagay na napakanormal katulad ng buhok at diskolarasyon ang pinapakealaman natin.
“Ang dapat nating kalampagin ay ang mga buwayang opisyal na imbis magserbisyo, nagpapakalunod sa luxurious items na galing naman sa pera ng taxpayers! Tama ba yarn??!!” dagdag ni Nathalie.
Isa rin si Vice Ganda ang humamon Kay Pres. Bongbong Marcos sa naturang Luneta rally na dapat ay managot ang mga sangkot sa pagnanakaw ng mga budget sa flood control projects na mainit parin na pinag-uusapan hanggang sa ngayon.