Nadine Lustre at Alden Richards, magsa-sama sa ‘Love, Siargao’.

Bibida at magsa-sama sa unang pagkakataon sina Nadine Lustre at Alden Richards sa isang serye.

Inanunsyo ng Viu Philippines ang bagong proyekto na pagbibidahan nina Nadine Lustre at Alden Richards na ‘Love, Siargao’.

Ang seryeng ito ay nakatakdang ipalabas sa darating na second quarter ng taong 2026. Mayroon itong 26 episodes at umiikot ang kwento dahil sa isang sumpa sa pagmamahalan ng dalawang karakter na sina Jao at Kara.

Caption pa ng Viu : “Siargao hits different when Kara [Nadine] and Jao [Alden] are around. This is your first look at Love, Siargao starring Nadine Lustre and Alden Richards. Coming to Viu this 2026.”

Dagdag nila : “ASIA’S MULTIMEDIA STAR MEETS THE PRESIDENT! Alden Richards and Nadine Lustre are teaming up for their biggest upcoming series yet. The Siargao Magic gets real this 2026. Love, Siargao, coming soon only on Viu!”

Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing baka raw ipapalabas rin ang ‘Love, Siargao’ sa kapuso network o GMA 7 at posibleng itapat sa serye nina James Reid at Kathryn Bernardo.

Chika ng netizen : “Aaah kaya Pala yung Viva Nakita na nakipag meeting sa mga GMA executives Ito siguro ang push nila sana nga pwede sa GMA7 airing.”

Hindi lingid sa marami na magsa-sama rin sa unang pagkakataon sina James Reid at Kathryn Bernardo sa seryeng ‘Someone, Someday’ na itinakdang ipalabas sa ABS-CBN ngayong 2026.

Masaya naman ang mga fans dahil sa mga bagong pagtatambalan ng mga sikat at pinakamahusay na mga bituin sa industriya.

Say nila : “Grabe ang gagandang tao at ang gagandang soul. Can’t wait. Congrats may pa korean artist sila maganda ito for sure.. plus ang gagaling nila sa acting..”

Dagdag pa ng isa : “I remember nadine saying that she preferred doing movies over series kasi the latter was tiring for her. I guess, Alden makes the difference. Excited for this team up.”